Martin Nievera super happy pa rin sa dyowang 'prinsesa', 10 years nang magkarelasyon | Bandera

Martin Nievera super happy pa rin sa dyowang ‘prinsesa’, 10 years nang magkarelasyon

Reggee Bonoan - July 07, 2022 - 05:38 PM

Martin Nievera

BUKAS na sa publiko ang mahigit isang dekadang relasyon ni Martin Nievera sa girlfriend niyang si Anj del Rosario kaya’t maraming humuhula na siya na ang huling babae sa buhay ng singer.

Sa pagkakaalam namin si Anj del Rosario ay kapatid nina KC del Rosario (ex-girlfriend ni Jake Ejercito) at Badi del Rosario (ex-boyfriend naman ni Arci Muñoz).

Si KC ang nakikitang kasama lagi noon ni Jake gabi-gabi sa gimikan at halos lahat ng restobar ay laman sila at ito rin ang alam naming huling karelasyon ng aktor bago siya naging seryoso sa buhay at naging mabuting tatay ni Ellie Eigenmann Ejercito.

Nakilala na namin si KC o Karraminah Clarisse, at napaka-low profile lang niya. Kung siya ang masusunod ay ayaw niya ng may bodyguards.

View this post on Instagram

A post shared by Martin Nievera (@martinnievera)


Yes, nakita namin noon na laging may nakasunod sa kanyang van na may apat o limang bodyguard kahit saan siya magpunta.

Si Badi naman ang frontman ng bandang Mr. Bones and Boneyard Circus kung saan miyembro rin dati ang singer-actress na si Arci.

Ang Del Rosario siblings ay mga prinsesa’t prinsipe dahil anak sila ni Prince Jefri Bolkiah ng Brunei sa dating film and TV producer na si Evangeline del Rosario na matagal nang divorced.

Going back to Martin kung bukas siya sa relasyon nila ni Anj ay hindi naman siya nagkukuwento ng pagkakakilanlan nito lalo’t low profile din naman ang kanyang love of his life.

Pero dahil marami namang nakakaalam tungkol sa pamilya ni Anj ay hindi maiwasang hindi siya mapag-usapan lalo na’t maraming kaibigang taga-showbiz ang kanyang mga kapatid at mommy.

Sa radio program na “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ay nasambit lang ng una ang pangalan ng kasalukuyang kasintahan ni Martin at close raw sila ni Pops Fernandez lalo’t sa parehong subdibisyon sila nakatira sa bandang South.

May patakam din si ‘Nay Cristy na kung malalaman daw ng publiko ang pagkakakilanlan ni Anj ay baka raw i-bash si Martin dahil siguro nga mayaman ito, pero base rin sa pagkakakilala namin sa mang-aawit ay hindi siya tumitingin kung ano ang estado sa buhay ng taong mahal niya.

Sa tagal ni Martin sa industriya ay kailangan pa ba niyang manggamit, e, may napatunayan na siya at higit sa lahat marunong humawak ng kinikita niya ang ex-husband ni Pops.

https://bandera.inquirer.net/285276/pops-takot-na-takot-nang-isugod-sa-ospital-ang-anak-we-worried-we-cried-and-we-prayed-a-lot

https://bandera.inquirer.net/280009/wish-ng-nanay-ni-vice-sana-magka-baby-ka-para-may-tagapagmana-ng-naipundar-mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/311973/may-selosan-at-inggitan-ba-sa-sandamakmak-na-talent-ng-viva-entertainment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending