Kim, Paulo swerte sa loveteam pero 'di magki-click as couple

Kim, Paulo swerte sa loveteam pero hindi magki-click bilang magdyowa

Ervin Santiago |February 21,2024
facebook
share this

Kim, Paulo swerte sa loveteam pero hindi magki-click bilang magdyowa

Ervin Santiago - February 21, 2024 - 01:30 PM

Kim, Paulo swerte sa loveteam pero hindi magki-click bilang magdyowa

Paulo Avelino, Kim Chiu, Wilson Flores at Eddy Cobankiat

MALAS daw talaga ang taong 2023 para sa Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu kung ang pag-uusapan ay tungkol sa lovelife.

Hindi raw masyadong umayon ang nakaraang Year of the Water Rabbit kay Kim lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon, kaya nauwi rin sa hiwalayan ang mahigit isang dekadang relasyon nila ni Xian Lim.

Ayon sa feng shui consultant at Traditional Chinese Medicine (TCM) practitioner na si Jean Yu Chua, “Nangyari ‘yan (hiwalayang KimXi) last year, 2023.

“So, in relationship aspect of the person, let’s say siya (Kim), year of the Horse, so ang relationship luck niya, hindi ganu’n ka-strong, so might be mayroon siyang mae-encounter na challenges or mga issues sa relationship,” ayon kay Jean nang humarap sa ilang members ng entertainment press kahapon sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores.

Baka Bet Mo: Tunay na mga doktor, content creators eeksena sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’; Jean walang kakupas-kupas

Pero posibleng makahanap ng bagong pag-ibig ang Kapamilya star ngayong 2024 dahil maganda ang relationship luck ng Year of the Horse sa Year of the Dragon.

“Pagdating sa love, maraming love for herself, so, mas matututunan na niya ‘yung sarili niya to have a self-care, self-love and how to give herself a time and effort to love herself.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viu Philippines (@viuphilippines)


“And relationship-wise naman, this year, mayroon din siyang chances of meeting new relationship,” sabi ni Jean.

Maganda raw ang nakikita niyang recognition luck and fame ni Kim, “Kaya mostly, ang relationship niya is magiging maganda with the bosses, ‘yung mga kung sino ang tumutulong sa kanya in her career.”

Samantala, naitanong din kay Jean kung ano ang nakikita niya sa rumored romance between Kim at sa leading man niyang si Paulo Avelino.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia nakalimutan ang sarili nang magkapamilya: ‘Dapat nu’ng nag-asawa ako nag-aayos pa rin ako, kasi parang nawala na siya sa isip ko’

Ayon sa feng shui expert, base sa birthyear, Earth Dragon ang animal sign ni Paulo at hindi raw masyadong stable this year ang relationship luck ng aktor.

“For Kim and Paulo, actually, my feng shui approach is more about the birthdays, so I don’t see them as personal. ‘Pag based sa birthday combination nila, isang dragon, and isang horse.

“Kasi both of them in 2024 are more focused on the career side, kung how they stand in the showbiz business, how they earn their money, and how they do their investments, so ‘yun ‘yung priority nila.

“So nagiging secondary ‘yung relationship nila kaya that’s how, kung ang iniisip natin na magiging prosper sa kanilang relationship must be in another journey, sabihin natin, a loveteam in the showbiz,” ani Jean na kinumpirmang family friend nila si Kim at personal din itong nagpapakonsulta sa kanya.

Sabi pa niya about Paulo, “Might be naghahanap din siya ng the right person or naghahanap din siya ng right opportunity.

“Hindi rin siya ganu’n ka-priority into the relationship, so mostly, itong year, tine-take care niya ‘yung sarili niya kung ano ba ‘yung status niya sa career, anong standing ng business or kung ano ‘yung mga investment na pino-focus niya,” pahayag pa ng feng shui consultant.

At tungkol naman sa tambalang KimPau, hindi raw dapat bigyan ng pressure ang dalawa when it comes to their personal life. Pero aniya, tuluy-tuloy ang swerte ng KimPau bilang loveteam.

“Kung ii-include natin ang personal life nila, might be hindi sila magki-click,” pagbasa ni Jean sa personal na buhay ng dalawa.

Ang naganap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ay co-sponsored ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Nakasama rin ni Jean sa naturang event si Wilson Flores at Eduardo “Eddy” Cobankiat ng FFCCCII.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, maaari rin kayong kumonsulta kay Jean sa kanyang shop sa Chinatown, Ongpin at sa 2nd floor ng Vira Mall. Pwede rin siyang i-message sa kanyang social media accounts.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending