Kim pasok sa Top 3 maswerteng animal sign sa 2022; feng shui expert nagbabala sa 'Monkey', 'Tiger' | Bandera

Kim pasok sa Top 3 maswerteng animal sign sa 2022; feng shui expert nagbabala sa ‘Monkey’, ‘Tiger’

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 06:14 PM

Kim Chiu

IN FAIRNESS, ang dami naming nagetsing na tips kung paano makakaiwas sa kamalasan at kanegahan ngayong Year of the Water Tiger sa Chinese New Year vlog ni Kim Chiu.

Agree kami sa mga comments ng netizens na pak na pak maging celebrity ambassador ng Chinese New Year sa Pilipinas si Kim dahil sa talagang sinusunod niya ang mga advice sa kanya ng feng shui experts. 

Last year nga, bentang-benta rin sa madlang pipol ang kanyang 2021 Chinese New Year vlog kaya naman ang request ng mga fans, gawin niya uli ito ngayong 2022. Marami nga ang sumunod sa sinabi niyang pampaswerte sa love life ang pagsusuot ng bagond red underwear.

And for this year, muli niyang binisita ang kaibigan niyang feng shui expert na si Johnson Michael Chua para hingan ng payo kung paano maitataboy at mapapalayas ang bad luck o kamalasan.

Simulang pahayag ni Johnson, walan naman daw malas dahil ang Year of Water Tiger ay taon ng mga “opportunities, year of development,” pero “challenging.” Dagdag pa ng feng shui expert  medyo hawig daw ang 2022 sa 2020.

Sa simulang bahagi ng video, sinabi ni Kim na napakaganda ng kanyang 2021 at talagang super na-happy siya nang sabihin ni Johnson na kasama ang animal sign niyang Horse sa Top 3 na mga masusuwerte ngayong 2022.

Ang Top 1 ay ang Year of the Pig (2019, 2007, 1995, 1983, 1971), sinunandan ng Year of the Horse (2014, 2002, 1990, 1978, 1966) at ikatlo ang Year of the Rooster (2017, 2005, 1993, 1981, 1969).

Ang mga lucky colors daw this year ay “yellow, red, and white,” pati na ang gold and silver, at “anything that represents metal element.”

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Next na napag-usapan nina Kim at Johnson ay ang dalawang Chinese New Year staples — ang prosperity basket at wishing paper. Ang laman nito ay bigas, tatlong golden kiat-kiat, bell, flower-shaped coin, hong bao o red envelope, at siyam na dahon.

Sabi ni Kim, kinakain daw nila ang bigas sa basket after nine days habang ang three golden kiat-kiat ay para sa good money flow lalo na raw ngayong taon na parang tubig ang daloy ng paggastos.
Hirit nga ni Kim, “Naku, dapat pala hindi na muna ako nag-add to cart nang nag-add to cart!” 

Ang bell naman daw ay para maiwasan ang negativity, “and strengthen creativity, protection.” Ang flower-shaped coin naman ay para sa “love, luck at good marriage” dahil medyo fierce daw ang tiger kaya posibleng maraming away. Para naman sa mas malawak na prosperity at wealth ang siyam na dahon habang ang red envelope o hong bao ay para pa rin sa “good fortune.”

Dagdag pang chika ni Kim,  naglalagay din daw sila ng “P888” sa prosperity basket at makalipas ang siyam na araw ide-deposit na nila ito sa kanyang bank account.

Ngunit sa daw lahat ng sinusunod niyang paghahanda sa Chinese New Year, ang pinakamabisa raw ay ang pagsusulat niya ng kanyang hiling sa isang wishing paper.

“Lahat ng pumupunta sa bahay namin, nagsusulat kami rito, imposibleng wala sa sinulat nila na hindi nagkatotoo,” sey ni Kim na sinang-ayunan din ni Johnson, “Kahit daw house and lot.”

Sabi uli ng aktres at TV host, “Ako, meron akong sinulat, nagkatotoo talaga, nakabili ako ng vacation house. Ang dami talagang nagkakatotoo pag sinusulat mo yung mga wish mo rito.”

Sabi ng feng shui expert, ang 2022 ay “bad year” daw para sa mga ipinanganak under Year of the Monkey: 2016, 2004, 1992, 1980, 1968. Kasi raw, “Kalaban sila ng Tiger.”

Para naman sa mga Year of the Tiger: 2022, 2010, 1998, 1986, 1974, 1962, asahan na ang mga “struggles and competition.”

https://bandera.inquirer.net/304483/regine-binigyan-ng-blue-rhinoceros-ng-feng-shui-expert-para-ilayo-sa-tukso-si-ogie-epektib-kaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301725/pampaswerte-sa-2022-bagong-underwear-red-at-yellow-gold-dress-tiger-mag-move-on-na-sa-ex-dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending