Vhong pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M; makakapiling na ang pamilya ngayong Pasko | Bandera

Vhong pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M; makakapiling na ang pamilya ngayong Pasko

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 11:48 AM

Vhong pinayagan ng korte na makapagpiyansa sa halagang P1-M; makakapiling na ang pamilya ngayong Pasko

Vhong Navarro

PINABORAN ng korte ang hiling ng Kapamilya actor at TV host na si Vhong Navarro na pansamantalang makalaya habang patuloy na dinidinig ang kinakaharap na kasong panggagahasa.

Pinayagan ng Taguig City Court na makapagpiyansa ang komedyante para makalabas ng kulungan kaya naman siguradong makakapiling na niya ang kanyang pamilya makalipas ang ilang buwan.

Ayon sa resolusyon na inilabas ng korte, kailangang magbayad ng P1 million piyansa si Vhong kaugnay ng kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya ng dating model na si Deniece Cornejo.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” ayon sa kautusan ng korte.

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt.

“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” sabi pa sa resolusyon.

Matatandaan sa isang panayam sinabi ng abogado ng TV host-comedian na si Atty. Alma Mallonga na natapos na ang pagdinig para sa kanilang petisyon na pansamantalang makalaya ang aktor.

“We did our best. We did everything that was necessary in our belief to show the truth and the truth is that Vhong from our perspective is entitled to bail,” ani Atty. Mallonga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Nabanggit ng abogado na hindi niya masabi kung mapagbibigyan ang kanilang petisyon para makalaya pansamantala ang komedyante.

“Uulitin ko, hindi ako makapagsabi ng maga-grant ng bail na si Mr. Vhong Navarro. Hindi ko masasabi na confident na confident kami. That is a function that the court has to perform for itself,” sabi ni Atty. Mallonga.

“All I can say, nagtrabaho kami nang lahat. Lahat ng katotohanan ayon sa nangyari,” mariin pa niyang sabi.

Pia Magalona may hiling kay Francis M; malalim ang hugot sa ‘dark side’

Hiling ni Erik Santos sa madlang pipol para sa kaarawan…ipagdasal ang paggaling ng inang may sakit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hiling ni Heaven sa haters: Guys malapit na mag-Christmas magpakabait na po ang lahat…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending