Hiling ni Heaven sa haters: Guys malapit na mag-Christmas magpakabait na po ang lahat... | Bandera

Hiling ni Heaven sa haters: Guys malapit na mag-Christmas magpakabait na po ang lahat…

Ervin Santiago |December 06,2021
facebook
share this

Hiling ni Heaven sa haters: Guys malapit na mag-Christmas magpakabait na po ang lahat…

Ervin Santiago - December 06, 2021 - 12:24 PM

Heaven Peralejo

MAY hiling ang controversial Kapamilya actress na si Heaven Peralejo sa lahat ng mga namba-bash at nambabastos sa kanya sa social media ngayong Christmas season.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang nangnenega at nagpapakalat ng hate messages laban sa kanya sa socmed. Ito’y may konek pa rin sa kanyang lovelife at past relationships.

Sa pamamagitan ng Facebook, nakiusap si Heaven sa lahat na sana’y magpakabait na ngayong  Kapaskuhan at mas maging mabuti at sensitive sa ibang tao na walang ginagawang masama.

Sa nasabing FB post ng young actress, inilagay niya ang quote artcard ng naging sagot niya sa panayam ni Darla Sauler tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng actor-vlogger na si Kimpoy Feliciano. 

“Guys malapit na mag Christmas mag pakabait na po ang lahat,” ang  maikling mensahe ni Heaven.
Nauna nga rito ang ginawang paglilinaw ng aktres na wala silang relasyon ni Kimpoy at magkaibigan lang talaga sila. 

“Hindi talaga. Di ba, kapag kunyari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganoon. Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends,” sey ng dalaga kay Darla.

View this post on Instagram

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)


Mariin pang sabi ni Heaven, “Single ako pero not ready to mingle. ‘Yung kay Kimpoy, guys, masaya lang din na nagkaroon talaga ako ng kaibigan sa showbiz. 

“Thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin na kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work,” aniya pa.

Hirit pa ni Heaven sa mga haters, “Guys, alam niyo, magpahinga rin kayo, OK? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle.

“Huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue. Christmas na, oh. Dapat happy, happy,” sabi pa ng aktres.

Relasyong Heaven-Kimpoy fake news: Yung pagmamahalan namin hanggang best friends lang


Bago nagsalita si Heaven, itinanggi na rin ni Kimpoy sa pamamagitan ng kanyang vlog, na friends lang talaga sila ng Kapamilya actress.

Last month lang, inamin ni Heaven na single na siya ulit matapos tanggalin ang mga photos nila ng dating boyfriend na si Kiko Estrada sa Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangyari ito ilang linggo lamang ang lumipas matapos aminin na magdyowa na nga sila ng aktor na umani rin ng negatibong comments mula sa netizens.

Heaven binatikos ang isang entertainment page: Mukhang mawawalan ng Christmas bonus

Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending