Idol PH 3rd Placer Kice muntik nang layasan ang showbiz dahil sa mga 'golden bashers', anyare? Bandera

Idol PH 3rd Placer Kice muntik nang layasan ang showbiz dahil sa mga ‘golden bashers’, anyare?

Ervin Santiago |December 06,2022
share this

Idol PH 3rd Placer Kice muntik nang layasan ang showbiz dahil sa mga ‘golden bashers’, anyare?

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 08:01 AM
Idol PH 3rd Placer Kice muntik nang layasan ang showbiz dahil sa mga 'golden bashers', anyare?

Kice

NANG dahil sa mga laitera at feeling perfect na bashers, muntik nang mag-quit sa showbiz ang “Idol Philippines” Season 2 third placer na si Kice.

Kuwento ng binata na pang-matinee idol din ang itsura at porma, iniisip na niyang iwan ang showbiz dahil naaapektuhan na siya ng mga kanegahang ibinabato sa kanya ng mga netizens.

Pero dahil daw sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya, nagbago ang isip niya at nagdesisyong ipagpatuloy ang nasimulang showbiz career.

“Actually there are so many haters talaga, but at the same time there are lot of nice people out there.

“And I just decided to really divert ‘yung focus ko to the people that are supporting me, who love me and they are always there behind my back. So, I really appreciate them so much,” sabi ni Kice nang mag-guest siya ng “Magandang Buhay” kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kice (@kiceisnice)


In fairness, pagkatapos ng journey ni Kice sa reality singing competition ng ABS-CBN na “Idol Philippines,” nagsunud-sunod na ang pagdating ng swerte at blessings kay Kice.

Kabilang na nga rito ang pagiging bahagi ng “ASAP, Natin To” at very soon nga ay sasabak na rin ang binata sa aktingan.

Makakasama siya sa upcoming drama series na “Linlang” na pagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman at ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

“I just feel super grateful po kasi acting wasn’t in my real plan, it’s supposed to be in the future pa after I did my music.

“Pero it’s here now and I want to grab the opportunity and you know probably improve my self in this aspect of entertainment,” chika ni Kice.

Bukod kay Kice, ka-join din sa nasabing serye ang isa pang baguhan sa larangan ng pag-arte, ang PBB Big Winner na si Anji Salvacion.

“Si Anji po I got to work with her sa workshop and it was the first time. She’s really a nice person talaga.

“I’m still getting to know her and she’s all-in-all like a really smart, loving individual. I met her mom din it was really fun,” pahayag ni Kice.

Neri Miranda kilig na kilig sa ‘Idol’ contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer!

Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga ‘ko!

Dimples naisip na ring mag-quit sa showbiz: Pero parang totoo nga ang sinasabi ng mga idol ko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending