Neri Miranda kilig na kilig sa 'Idol' contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer! | Bandera

Neri Miranda kilig na kilig sa ‘Idol’ contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer!

Ervin Santiago |September 07,2022
facebook
share this

Neri Miranda kilig na kilig sa ‘Idol’ contestant na si Kice: Napaka-cute mong bata ka! Supeeeer!

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 07:11 AM

Kice, Chito Miranda at Neri Miranda

TALAGANG certified fan ng “Idol Philippines” ang aktres at negosyanteng si Neri Miranda dahil bawat episode nito ay parang hindi niya pinalalampas.

In fairness, sa dami ng trabaho niya bilang wifey at mommy, idagdag pa ang pagiging hands-on businesswoman, ay nagagawa pa rin niyang manood ng “Idol Philippines” sa ABS-CBN.

Well, bukod nga sa isa sa mga judge sa talent show ng Kapamilya Network ang asawa niyang si Chito Miranda, talagang nag-i-invest siya ng time and emotions sa mga contestants.

View this post on Instagram

A post shared by Kice (@kiceisnice)


Kamakailan lang ay gumawa pa siya ng open letter para kay Kice matapos ang naging performance nito sa nakaraang episode ng “Idol Philippines.” Ipinost ito ni Neri sa kanyang Facebook page.

“Dear Kice,

“Una sa lahat, napaka cute mong bata ka! Supeeeer! Ikaw yung tipong crush ng bayan sa school, hahahaha! Natutuwa talaga kaming lahat kapag nakikita ka namin sa tv.

“Para kang si Donny (Pangilinan). Pareho kayong gwapo at mukhang mabait. Maganda talaga rehistro mo sa camera.

“Hindi ka man pang Idol Ph kase aminin na natin, magagaling talaga mga kasabayan mo. Pero naniniwala ako na it is your time to shine.

“Feeling ko magiging isa ka sa mga superstars. Excited na akong makita ka sa Asap o may sariling serye at pelikula. Kakaladkarin ko asawa ko para manood sa pelikula mo, hihi!

“Mas magaling man ang iba sa’yo… pero naniniwala ako na ngayon ka bine-bless ni Lord. Embrace it. Para sa ‘yo talaga yan…Wow, Judge Neri???!

“P.S. wag nyong i-bash si Kice. Maraming magtatanggol na Ate at Tita.. isa na ako dun, hihi! Be Nice lang po sa lahat,” ang kabuuang pahayag ni Neri.

Sa nakaraan ngang live episode ng Kapamilya talent show, nagpakatotoo ang mga huradong sina Chito at Moira dela Torre.

“Hindi ikaw yung best singer sa competition na ito. Pwede ko pa nga sabihin na ikaw yung least na pinakamagaling dito.

“Pero, whenever you perform, I’ll always look forward to it. And I end up smiling. Pero hindi dahil dinaan sa pogi. Yung charisma na yan is very important to a performer,” komento ng Parokya ni Edgar vocalist.

Sey naman ni Moira, “I won’t say you’re the next Sam Milby, or James Reid or Donny. Hindi ko sasabihin yun. I also don’t know if you’re gonna be the next winner of Idol Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi natin alam. But I do know this, you are the next big thing and the Philippines is obviously very ready for you,” sey naman ni Moira.

Chito sa solid na samahan ng Parokya ni Edgar: Sa amin, music is secondary, barkada lang muna kaming lahat

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Neri Miranda ibinandera ang bagong negosyo at nabiling bahay sa Baguio; inalala ang kahirapan ng buhay noong bata

Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending