Nikki Valdez, mister nagdiwang ng 8th anniversary, nagpakasal uli
NAGPAKASAL ulit ang aktres na si Nikki Valdez sa mister niyang si Luis Garcia.
‘Yan ang naging paraan nila upang ipagdiwang ang ikawalong anibersaryo ng kanilang kasal.
Sa pamamagitan ng Instagram ay ibinandera ni Nikki ang ilang litrato sa kanilang kasal t lubos na nagpasalamat sa kanyang pamilya at mga kaibigan na naging present sa espesyal na okasyon..
Caption ng aktres sa isang post, “Eight years of God’s blessing for @hoyluisito and I. Thank you, Fr. Armand Tangi for being an instrument of God’s grace to our eighth year celebration. Thank you to our families and friends for being there to witness this very special day (white heart emoji).”
“I love you my love till infinity and beyond! (kissing face emoji),” sey pa niya sa kanyang mister.
View this post on Instagram
May post din siyempre ang kanyang mister na si Luis at ibinandera pa kung gaano niya kamahal si Nikki.
Kalakip ng sweet photo nila ang short but sweet na caption na sinabing, Happy to have spent 8years with you @nikkivaldez_. Thank you for doing what you do and being you.”
“Cheers to more years, blessings, travels, laughter, adventures, etc. Love you soooo much! Happy 8th, my love!,” lahad pa sa post.
View this post on Instagram
Ilan lamang sa mga artista na bumati sa dalawa ay sina Sunshine Cruz, Amy Perez, Jolina Magdangal, Noel Ferrer, at marami pang iba.
Si Luis ang ikalawang asawa ni Nikki at noong 2018 sila ikinasal sa Hong Kong.
Taong 2017 naman nang mag-propose ng kasal si Luis habang sila’y nasa bakasyon sa Vigan, Ilocos Sur.
View this post on Instagram
Related chika:
Nikki Valdez sa haters: Hindi naman natin kailangang mag-away-away, ‘wag po tayong mangutya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.