Mga Pinoy mas bet makatanggap ng cash bilang regalo sa Pasko – survey
MALAPIT na ulit ang bigayan ng regalo, lalo na sa inyong mga inaanak.
Dahil diyan, nagsagawa na ng survey ang Radio Veritas at tinanong ang ating mga kababayan kung pera o in-kind ba ang gusto nilang matanggap ngayong pasko.
Ang lumabas na resulta?
Mas maraming Pinoy ang mas gusto na cash o pera ang makukuha nilang regalo ngayong kapaskuhan.
Base sa Veritas Truth Survey (VTS), 38% ang bumoto sa “gift in cash,” habang 32% naman para sa “gift in kind.”
Nasa 22% ang nagsabing kahit ano ang ibigay at 8% naman ang undecided.
Nakita rin sa survey na 39% sa mga bumoto sa cash ay mga babae, habang nasa 37% ang mga lalake.
Nasa edad 21 hanggang 39 ang mga mas prefer ang cash bilang regalo at nasa edad 13 hanggang 20 naman ang mas gusto ng gift item.
Ang survey ay nangyari noong buwan ng Nobyembre sa 1,200 respondents.
Paalala naman ng presidente ng Radio Veritas na si Fr. Anton CT Pascual na ang pagpili sa pagbibigay ng regalo ay dapat isaalang-alang pa rin ang pagmamahal sa kapwa.
Sey ni Fr. Anton, “Though there is a clear choice from the respondents. Still, the best interest of the receiver must dictate the kind of gift we are to give…be it a gift item or money. Always bear in mind that, ‘It’s not how much we give but how much love we put into giving’ (Mother Teresa).”
Dagdag pa niya, “So, in the end, the amount of thoughtfulness and love we factor-in in choosing either GIFT or CASH would reveal the true value of the gift we are to give.”
Related chika:
Kandidatong nagpakawala ng bilyong pisong pondo click sa survey
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.