Pagiging No. 3 ni Robin Padilla sa survey ipinagtanggol ng ipaTUPAD partylist: Huwag natin siyang husgahan | Bandera

Pagiging No. 3 ni Robin Padilla sa survey ipinagtanggol ng ipaTUPAD partylist: Huwag natin siyang husgahan

Ervin Santiago - May 05, 2022 - 07:26 AM

Robin Padilla, Venus Emperado, Chavit Singson, Eric Quizon at Coleen Garcia

IPINAGTANGGOL ni ipaTUPAD 1st nominee Venus Emperado ang action star at senatorial candidate na si Robin Padilla laban sa mga kumukuwestiyon sa pagpasok nito sa Top 12 ng iba’t ibang survey.

Ibinandera niya sa publiko ang taglay na kabutihan at kabaitan ng mister ni Mariel Rodriguez at ang puso nito sa paglilingkod sa bayan.

Kuwento ni Emperado, itinaas ni Robin ang kamay niya noong nasa Lipa sila. Bukod kay Robin suportado rin sila nina Eric Quizon, at Coleen Garcia gayundin nina Pangulong Duterte, dating governor Chavit Singson at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


“Ang bango ni Robin! Ha-hahaha! Totoo ‘yun! Kasi na-meet ko siya noong nasa Singapore kami, 10 years ago pa. Mabait si Robin Padilla. Kung may iboboto man akong isang senador, si Robin ‘yun,” ang pahayag ni Venus na siyang 1st nominee ng ipaTUPAD o ipaTUPAD For Workers, Inc. party list.

Dagdag pa ng dating DOLE consultant, “Kung makikita n’yo sa pick-up ko (sasakyan) isinasama ko siya. Basta ‘yung makatutulong sa atin, mabilis malapitan at ‘yung magseserbisyo sa tao.”

Iginiit pa ng dating guro na lahat ng ito ay taglay ni Robin, “Naramdaman ko iyon sa kanya at mararamdaman din naman ninyo kung mambobola ako.”

May mensahe pa si Venus sa mga taong namba-bash sa pagiging number 3 ni Robin sa resulta ng pinaka-latest survey sa mga tumatakbong senador ngayong eleksyon.

“Sa totoo lang, ang mga tao kasi mapanghusga rin, ipakita na lang natin at naramdaman kasi kapag pumupunta siya sa mga lugar na sincere si Robin at isa ako sa nakakita na maganda ang intensiyon niya,” aniya pa.

Samantala dating kasapi si Emperado ng programang “Tupad ng DOLE” na ang layon ay tumulong sa mga manggagawa.

“Nagsimula ako 2018 pero matagal na ang Tupad, isa siyang non-profit organization pero 2016 pa lang nag-uumpisa na akong magkawanggawa. Lalo na noong pandemic nagbigay ako ng ayuda sa mga driver. Ako dumaan talaga ako sa proseso, pinagtrabahuhan ko,” kuwento ni Venus.

At sa kagustuhang ituloy ang pagtulong, binuo nila ang ipaTUPAD. Nais nilang bawasan ‘di man tuluyang mawala ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng disenteng trabaho gayun din ang pag-eliminate ng anti-social concerns sa labor force.

“Sana ay makatuwang natin ang mga kilalang personalidad sa sining at kultura pati na rin sa creative industry para makabuo tayo ng isang panukalang batas na hindi lamang magbibigay ng kaseguruhan sa trabaho kundi magsasaayos din ng benepisyo, insentibo, at karampatang pagkilala sa mga alagad ng sining at manggagawa sa kultura” sabi pa ni Venus.

https://bandera.inquirer.net/287642/bea-ipinagtanggol-ni-karen-sa-bashers-lahat-po-tayo-kailangang-magtrabaho-kalma-lang

https://bandera.inquirer.net/280746/mayor-isko-pinayagan-na-sa-10-capacity-sa-mga-simbahan-sa-maynila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303874/venus-raj-binanatan-dahil-sa-masaklap-na-nakaraan-pero-umalma-your-past-does-not-define-you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending