Maxene Magalona tinawanan lang ang 'third party' issue kina Angel at Neil: You don't allow anything to bother you | Bandera

Maxene Magalona tinawanan lang ang ‘third party’ issue kina Angel at Neil: You don’t allow anything to bother you

Therese Arceo |December 03,2022
facebook
share this

Maxene Magalona tinawanan lang ang ‘third party’ issue kina Angel at Neil: You don’t allow anything to bother you

Therese Arceo - December 03, 2022 - 11:07 PM

Maxene Magalona tinawanan lang ang 'third party' issue kina Angel at Neil: You don't allow anything to bother you
INAMIN ng aktres na si Maxene Magalona na hindi siya naapektuhan matapos madawit ang kanyang pangalan sa diumano’y hiwalayan raw nina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa kanyang panayam kay Toni Gonzaga ay sinabi niyang ayaw na niyang palakihin ang mga chismis na kumakalat patungkol sa kanya.

“Nothing can faze me na. Nothing bothers me as much as it used to before. You don’t allow anything to bother you,” saad ni Maxene.

Tinanong naman ni Toni kung na-bother ba siya nang masangkot siya bilang third party ng dalawa.

Bagamat walang binanggit na pangalan si Toni ay aware naman ang mga Marites na kamakailan lang nang ikabit ang pangalan ni Maxene sa diumano’y hiwalayan nina Neil Arce at Angel Locsin na wala namang katotohanan.

Sa kabila nga ng kainitan ng isyu ay nanatiling tahimik ang aktres at walang sinagot sa mga ibinabato laban sa kanya.

“Tumawa muna si Maxene at sinabing, “Not at all! I live with integrity and I speak my truth fearlessly because I know I’m a woman of my word,” sabi ni Maxene matapos tumawa.

Samantala, nilinaw naman ni Neil na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita at sinabing “donation” na lang nila sa mga fake news peddlers ang kikitain nito sa pagpapakalat ng maling balita.

Lahad ni Maxene, kaya raw hindi niya in-address ang naturang isyu ay mas iisipin ng iba na kaya siya ng mga ito.

“If I release a statement, then the mga negative energy vampires, iyan yung tawag ko sa inyo [gossipmongers]-the negative energy vampires will see, ‘Ay, kaya natin siya!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)

“Sabi ko, ‘Ay, maraming nanonood ng [IG] Stories ko, mag-share tayo ng mga mental health tips.’ Yun ang ginawa ko, minental health ko sila,” banat ni Maxene.

Chika pa niya, papaniwalaan lang rin naman ng mga tao ang nais nitong paniwalaan.

“They believe it talaga, and, for me, if that makes you happy, sige lang. But for me, I pray for them. I really did pray for them,” sey ni Maxene.

Sang-ayon naman ni Toni, “When you know your truth, you have nothing to explain, defend, and prove to anyone.”

Dagdag pa ni Maxene, “Nothing. And you don’t even have to explain yourself. You have to embody it, you show.”

 

Related Chika:
Angel Locsin itinanggi ang chikang hiwalay na sila ni Neil Arce, naglabas ng ‘resibo’

Bwelta ni Neil sa mga blogger na nagsabing hiwalay na sila ni Angel: Kasinungalingan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene may matinding pinagdaraanan…bakit nadamay sa mga tsismis tungkol kina Angel at Neil?

Maxene Magalona may cryptic post patungkol sa ‘past’: ‘There is no ex I want back’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending