Maxene Magalona may cryptic post patungkol sa 'past': 'There is no ex I want back' | Bandera

Maxene Magalona may cryptic post patungkol sa ‘past’: ‘There is no ex I want back’

Therese Arceo |November 19,2022
facebook
share this

Maxene Magalona may cryptic post patungkol sa ‘past’: ‘There is no ex I want back’

Therese Arceo - November 19, 2022 - 08:15 PM

Maxene Magalona may cryptic post patungkol sa 'past': 'There is no ex I want back'
HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang aktres na si Maxene Magalona sa social media dahil na rin sa mga isyung kinasasangkutan.

Marami kasing mga lumabas na balita kung saan iniuugnay siya bilang dahilan umano ng hiwalayan ng mag-asawang sina Neil Arce at Angel Locsin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)

Bagamat nilinaw na ni Neil sa kanyang mensahe kay Ogie Diaz na maayos ang relasyon nila ng asawa at ayaw na lang patulan ang mga kumakalat na chika ukol sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

Ngunit sa kabila ng paglilinaw ng film producer at businessman ay hindi pa rin tinatantanan ng intriga sina Maxene, Neil, at Angel.

At mukhang mas lalo naman na-curious ang madlang pipol sa tila isang cryptic post na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram story.

“You gotta learn to delay your reaction when people are purposely trying to provoke you. You’re not a puppet, your mood doesn’t change based on how others want you to feel. You control you. You control if, when and how you wanna react,” saad sa quote na ibinahagi ni Maxene.

Matapos nito ay may isa na naman siyang ibinahaging quote na pumapatungkol sa pagbalik ng mga tao mula sa nakaraan.

Ayon sa shinare ni Maxene, “There is no ex I want back, no one from my past I want back and that includes friendships. Thanks for the lessons but I’m good now.”

May mga nagsasabing mukhang may kaugnayan ito sa isyung kinasasangkutan.

Matatandaang si Maxene ay ex-girlfriend ni Neil at ayun nga sa balita ay binalikan raw nito at nabuntis pa raw bagay na mukha namang walang katotohanan dahil active si Maxene sa kanyang trabaho at hidi naman ito makikitaan ng baby bump.

May mga nagsasabi rin na baka mensahe ito sa dating asawa dahil nga recently ay inamin na niya sa publiko na tuluyan na silang naghiwalay ni Rob Mananquil.

Sa kabila nito ay nanatili namang unbothered si Maxene sa mga ibinabato sa kanya.

Ayon pa nga sa isa niyang Instagram post, “Unfuckwithable. When you’re truly at peace and in touch with yourself, nothing anyone says or does bothers you and no negativity can touch you.”

Bukas naman ang BANDERA para kay Maxene sakaling naisin nitong magsalita hinggil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan.

 

Related Chika:
Maxene may matinding pinagdaraanan…bakit nadamay sa mga tsismis tungkol kina Angel at Neil?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maxene Magalona hindi nag-take ng gamot nang ma-diagnose ng C-PTSD, sinunod ang payo ng psychiatrist

Maxene Magalona hugot na hugot sa mga lalaki: Please stop pressuring them into being strong and perfect providers…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending