DOH: Aabot sa 44-M ang nasayang na bakuna kontra COVID-19 | Bandera

DOH: Aabot sa 44-M ang nasayang na bakuna kontra COVID-19

Pauline del Rosario - December 03, 2022 - 05:15 PM

DOH: Aabot sa 44-M ang nasayang na bakuna kontra COVID-19

PHOTO: INQUIRER.net/Noy Morcoso

SINABI ng Department of Health (DOH) na aabot na sa 44 million COVID-19 doses ang nasayang na sa bansa.

“Now it is at 44 million based on our inventories,” pagbabalita ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing noong Dec. 2.

Nilinaw pa ni Vergeire na ang bilang na ito ay nasa 17.5% pa lang ng kabuuang bakuna na mayroon ang bansa.

Karamihan daw sa mga nasayang ay mula sa procurement vaccines ng mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Health OIC, bukod pa sa procurement vaccines, ang ilan ay sanhi din daw ng tinatawag nilang “operational wastage” na ang paliwanag niya ay, “caused by natural disasters, temperature excursions, and discoloration.”

Kamakailan lang ay hinihikayat ng DOH na magpabakuna ng booster shots ang ating mga kababayan, lalo na’t nasa Pilipinas na rin ang bagong strain ng COVID-19 Omicron variant.

Ito ang tinatawag na “BQ.1” na mas nakakahawang klase ng virus, ayon sa ahensya.

Ipinaliwanag pa ni Vergeire na ang mga bagong variants ay parte na ng “life cycle” ng COVID-19 virus.

At ito, aniya, ay magpapatuloy hanggang mayroon pang mga “hosts” o ‘yung mga taong hindi pa nakakapagpabakuna laban sa virus.

Paalala ng Health Undersecretary, “We should always practice our minimum public health standards pati na rin po ang pinaka importante, magpabakuna tayo, so that we can be protected especially against these variants.”

Nauna nang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na isang “variant of concern” ang BQ.1 at kasalukuyan na itong kumakalat sa 29 na bansa.

Sa latest report ng Department of Health (DOH), nasa 18,412 ang naitalang active cases o ‘yung mga patuloy na nagpapagaling mula sa COVID-19.

Ang mga pinakamaraming kaso ay nasa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, at Western Visayas.

Related chika:

Bagong COVID-19 Omicron strain na ‘BQ.1’ nasa Pinas na, 14 positibo

DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Health workers nainsulto sa pagtalaga kay Camilo Cascolan bilang Usec ng DOH, anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending