Jessy inaatake ng insecurity habang buntis: Mahirap sa akin tanggapin na talagang lumalaki ako at nagbabago itsura ko... Bandera

Jessy inaatake ng insecurity habang buntis: Mahirap sa akin tanggapin na talagang lumalaki ako at nagbabago itsura ko…

Ervin Santiago |December 01,2022
share this

Jessy inaatake ng insecurity habang buntis: Mahirap sa akin tanggapin na talagang lumalaki ako at nagbabago itsura ko…

Ervin Santiago - December 01, 2022 - 09:55 AM
Jessy inaatake ng insecurity habang buntis: Mahirap sa akin tanggapin na talagang lumalaki ako at nagbabago itsura ko...

Jessy Mendiola at Luis Manzano

INAATAKE ng matinding insecurity si Jessy Mendiola habang palaki nang palaki ang kanyang katawan dahil sa pagbubuntis sa panganay nila ni Luis Manzano.

Inamin ni Jessy na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao ay may mga pagkakataon na nade-depress at nalulungkot siya lalo na kapag nakikita niya ang sarili sa salamin.

“As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit pa ako lagi. May mga bikini pictures pa ako,” pahayag ng wifey ni Luis.

Dagdag pa ni Jessy, “I really get insecure. People are saying kapag buntis ka, dapat lagi kang masaya. Pero honestly, mahirap sa akin tanggapin na talagang lalaki ako or magbabago yung itsura ko.”

Ngunit habang lumolobo na nga ang kanyang tummy ay unti-unti rin niyang natatanggap ang mga pagababago sa kanyang katawan at naniniwala siya na worth it ang lahat ng hirap at sakripisyo na ginagawa niya kapag isinilang na ang first baby nila ni Luis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


“Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy.

“As months go by, kapag nakikita mong lumalaki yung tiyan mo, doon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you,” pahayag pa ni Jessy.

Napatunayan din daw niya na isang napakalaking ang mabuntis pero matindi rin ang kakambal nitong sakripisyo, “especially if you’ve struggled with body image during your whole life.”

“I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember… you have a growing HUMAN inside of you. It’s not easy, but it’s WORTH IT,” pahayag pa ng aktres.

Ikinasal sina Luis at Jessy noong February, 2021 at ibinandera nila sa madlang pipol last August na magiging mommy at daddy na sila.

Hugot ni Angelica sa pagiging padede mom: Tanggapin mo nang naka-bra ka na lang hangga’t manawa siyang dumede sa ‘yo

Kathryn hugot na hugot: 2 Good 2 Be True may be over, but my love for this family is here to stay

Hugot ni Angelica sa pagiging padede mom: Tanggapin mo nang naka-bra ka na lang hangga’t manawa siyang dumede sa ‘yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending