Nadine Lustre gustong i-delete sa buhay ang pagiging gastadora noon: Kapag naiisip ko, sayang talaga | Bandera

Nadine Lustre gustong i-delete sa buhay ang pagiging gastadora noon: Kapag naiisip ko, sayang talaga

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 07:43 AM

Nadine Lustre gustong i-delete sa buhay ang pagiging gastadora noon: Kapag naiisip ko, sayang talaga

Nadine Lustre

KUNG may gustong burahin o i-delete si Nadine Lustre sa kanyang nakaraan, ito ay ang pagiging magastos at pagbili ng kung anu-anong bagay na hindi naman niya kailangan.

Sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry niyang “Deleter” under Viva Films ay natanong ang aktres kung may mga nais ba silang tanggalin sa kanilang past life kung mabibigyan ng pagkakataon.

Sey ni Nadine, type niyang burahin ang pagiging magastos niya noon lalo na sa walang kapararakang mga bagay.

“Feeling ko yung paggastos ko before nu’ng mas younger pa ako ang gusto kong i-delete. Kasi I guess back then, siyempre gusto mo lang din mag-spend nang mag-spend on anything.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“Tapos ngayon kapag iniisip ko siya, ‘Bakit kaya ako gumastos para du’n?’ Parang sayang lang,” pag-amin ng dalaga.

Aniya pa, “Kasi now, mas nagiging maingat na ako when it comes to spending. Pero kapag iniisip ko talaga yung mga pinagkagastusan ko dati, ‘Ba’t ko nga ba binili yun? Ba’t ko nga ba ginawa yon?’”

Samantala, hindi naman daw masyadong nahirapan ang award-winning actress sa paggawa ng “Deleter” na isang horror-suspense na idinirek ni Mikhail Red.

“To be honest, for me hindi naman po ganu’n kahirap mag-imagine. Kahit naman nung mas bata ako very imaginative ako.

“Talagang aaralin mo lang yung eksena and sometimes ini-imagine mo talaga kung paano mo ito gagawin, kunwari sa line or kung ano yung aksyon mo,” paliwanag ni Nadine.

“I think it also helps na mahilig din po ako sa horror films, so in a way meron po akong mga reference. Pero mahirap talaga yung mag-imagine ng may kaeksena ka, yon yung pinakamahirap.

“Kasi it’s all on your head, eh. Parang yung eyes mo it doesn’t really do much kasi nga wala ka namang nakikita. So marami pong inner monologue at yon po yung technique ko don in most of the scene,” dagdag pa niyang paliwanag.

“After shooting Deleter, I discovered it was really tiring to do a horror film. But even though nakakapagod siya, sobrang fulfilling.

“After every scene, we could see okay si Direk and he’s happy with the scenes. We enjoyed doing the film,” sey pa ng dalaga.

Natanong din siya kung paano niya ise-celebrate this year ang Christmas, “Ako last year medyo kakaiba po yung Christmas ko kasi after ng (super typhoon) Odette po yon, eh, so nasa Siargao po ako nu’ng time na yon. Walang kuryente and all, so very different.

“But this time, this year kasi iba rin po, eh, since nasa MMFF nga po ang Deleter. This time around makakasama naman po natin siguro yung mga manonood ng pelikula.

“Kasi sa December 25 ang alam po namin meron kaming cinema tour and we’re excited to see everyone out again.

“At siyempre yung sa parade din, nae-excite akong makita lahat yung mga float, makulay, maraming tao sa labas. Gusto kong makita ulit yung mga tao na magkakasama,” excited pang chika ni Nadine.

Makakasama rin ni Nadine sa “Deleter” sina McCoy de Leon, Jeffrey Hidalgo at Louise delos Reyes. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa December 25.

Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula

Cristy muling binanatan si Nadine: Wala akong planong panoorin siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine umaming ‘masokista’ pagdating sa pagpili ng project: Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending