Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula Bandera

Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula

Therese Arceo |October 27,2021
share this

Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula

Therese Arceo October 27, 2021 - 04:28 PM

Nadine sinupalpal ang netizen; nagbabalik Viva na?

HINDI na nakapagpigil ang aktres na si Nadine Lustre at pinatulan ang unsolicited comment ng isang netizen patungkol sa kanyang katawan.

Saad ng netizen na may username na @eternityplu1, wala na raw ang curve sa katawan ng aktres at nadagdagan raw ang timbang nito.

Bukod pa rito, binanggit rin ng netizen sa kanyang tweet ang napapabalitang dyowa ni Nadine na si Christophe Bariou.

Pinayuhan pa nito ang dalaga na ma

“Why @hello_nadine ang chuba muna, wla ang butt , wla ng curve, sbagay wla ka ng insecurities sa ktawan ksi tanggap ka ni chris khit maging big kapa, kso bka pg ngsawa at makakita ng mas bata iwan ka rin. Wg mgpabola ksi hndi ka nman bolang dinidrible think twice or thrice lagi,” pambabash sa kanya ng isang netizen kalakip ang litrato ng aktres na nakabikini at tila naglalakad papunta sa pool.

Agad namang rumesbak si Nadine at sinabing, “Ew, body shamer.”

Ilang netizens rin ang sumagot sa ginawang pangne-nega ni @eternityplu1.

“Ang lungkot lungkot siguro talaga ng buhay mo.”

“Di aayos buhay mo kung puro ka inggit”

“Bored and miserable sa buhay ka teh? Walang nagmamahal, walang trabaho? Kasi ang masayang tao at may takot sa diyos, hindi sila naninira ng kapwa.”

Samantala, usap-usapan rin si Nadine matapos mag-upload ni Direk Yam Laranas ng mga larawan sa kanyang Instagram kung saan present si Nadine.

“Table read with @nadine @diegoloyzaga @epyq,” caption ng direktor.

Mukhang tuloy na tuloy na ang pagbabalik nito sa pag-arte. Muhang maayos na rin sila ng Viva Artists Agency matapos ang kanilang contract controversy.

Matatandaang noong January 2020 nang gumawa ng ingay si Nadine matapos nitong ianunsyo na iiwan na niya ang Viva at magse-self manage na lamang siya.

Matapos ito ay nag-focus ang dalaga sa kanyang music career at nakapag-release ng album na “Wildest Dreams” noong Oktubre 2020.

Disyembre 2020 naman nang idemanda siya ng Viva dahil sa paglabag ni Nadine sa kanilang kontrata.

Ngunit base sa Quezon City court ruling ay kinakailangang i-honor ni Nadine ang kontrata nito sa Viva at nagkaroon rin ng “cease and decease order” kung saan pinagbawalan ang aktres na pumasok sa bagong kontrata bilang artist o endorser na walang pahintulot muna sa Viva.

Related Chika:

Nadine naghahanda na para sa bagong pelikula ng Viva; makakasama sina Diego at Epy

Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending