Jayson Gainza opisyal nang Kapuso, nagpasalamat sa ABS-CBN
CERTIFIED Kapuso na nga ang komedyante at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Jayson Gainza.
Opisyal na ngang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, November 22.
Ito ay inanunsyo ni Jayson sa kanyang sariling Instagram account.
“Sa bagong yugto ng buhay ko salamat @gmanetwork@sparklegmaartistcenter sa aking Manager kuya Darryl at sa handler ko @rappalvarez sa pagaasikaso sa akin. Sa mga boss ng @gmanetwork salamat sa tiwala,” bahagi ng kanyang caption.
View this post on Instagram
Sa kabila naman ng pagsabak niya sa bagong yugto ng kanyang karera ay hindi naman niya nakalimutang magpasalamat sa kanyang dating home network.
“Maraming salamat din sa pinanggalingan kong istasyon @abscbn@starmagicphils kuya @alan_m_real #Mr.M @direklauren kung saan ako nagsimula malaki ang utang na loob konsa inyo salamat maraming salamat po,” sey pa ni Jayson.
Dumalo sa contract signing ng komedyante ang mga GMA executives na sina Annette Gozon-Valdez (Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support),Joy Marcelo (Assistant Vice President for Talent Management), at Lawrence Tan (Consulting Head for Talent Imaging and Marketing) mula sa Sparkle.
Una ngang nakilala ng publiko ang komedyante nang maging isa siya sa mga housemates sa kauna-unahang season ng “Pinoy Big Brother” kung saan ang itinanghal na Big Winner ay si Nene Tamayo.
Pagkalabas ng bahay ay minahal ng tao si Jayson sa kanyang galing sa pagpapatawa at ilang proyekto na rin ang nagawa nito sa Kapamilya Network gaya ng “Banana Sundae”, “Parekoy”, “Funny Ka, Pare Ko”, “Sunday Kada”, “Home Sweetie Home”, at marami pang iba.
Bago pa man mangyari ang kanyang opisyal na paglipat sa Kapuso network ay lumalabas na rin siya sa ilang shows gaya ng “Happy Together”, “All Out Sundays”, at “Tikto Clock”.\
Other Chika:
Jayson Gainza ilang beses na ring minura ng direktor
Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7?
Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’
Aiko waging konsehal sa QC: Bukas na bukas may project na agad tayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.