Jodi durog ang puso sa 100 empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho
“HEARTBREAKING,” ang maiksing reaksyon ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria matapos mabalitaan ang latest lay-off ng Kapamilya network.
Ibinandera pa nga mismo ng aktres ang X (dating Twitter) post ng isang media outlet na ang headline ay umabot sa isandaan ang nawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pagkalugi ng kompanya pagdating sa ad.
Heartbreaking 💔 https://t.co/jVzQ9D9ZTY
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) October 17, 2024
Sa isang pahayag, inamin ng ABS-CBN na isa ito sa pinakamahirap na desisyon, pero tiniyak nila na makakatanggap ng full benefits ang mga apektado sa lay-off.
“We are committed to providing those affected with full benefits and support and are deeply grateful for their many years of service to the company and to the public,” saad ng media group.
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes, Marian Rivera kinabahan nang mabalitaan ang nangyaring ‘silent seizure’ ni Boobay
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng INQUIRER, ang tanggalan daw ay inanunsyo during online meeting na nagtagal ng halos isang oras noong Martes, October 15.
Ang video conference ng news department ay pinangunahan daw ng ABS-CBN News head na si Mary Ann Francis Toral.
Marami raw ang nawalan ng trabaho, kabilang na ang ilang reporters at cameraman.
Nakapanayam din ng INQUIRER ang ABS-CBN supervisors union president na si Raul De Asis at sinabi niyang “painful” ang nangyari, pero ito ay kailangan upang magpatuloy ang negosyo.
Kung matatandaan, taong 2020 nang inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagang mag-operate ang nasabing media network, maski bigyan ito ng prangkisa at license to operate.
Maaalalang taong 1995 nang pinagkalooban ng Kongreso ang ABS-CBN ng isang legislative franchise sa pamamagitan ng pagpasa ng RA 7966.
Ang franchise na ito ay nag-expire o natapos noong May 4, 2020 at agad naman nagpalabas ng Cease and Desist Order (CDO) ang NTC.
Dahil dito, napilitang huminto sa operasyon ang Kapamilya netowrk na kung saan ay nawala sa ere ang Channel 2 at ilan pa nitong TV channels at radio stations.
Kabilang na rin diyan ang 11,000 na mga empleyado na na-retrench o nawalan ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.