Jodi Sta. Maria mas pinili noon ang love kesa showbiz career: ‘Nagba-bye ako sa Pilipinas at nagpakasal ako sa Amerika’
“SINGLE mother po ako. I need it to survive!” Yan ang hugot ni Jodi Sta. Maria tungkol sa mga pinagdaanang hirap at sakripisyo bilang isang nanay.
Never naisip ng Kapamilya actress na sumuko sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay lalo na nang isilang niya ang panganay na anak nila ni Pampi Lacson na si Thirdy.
Binalikan ng aktres ang naging buhay niya noong magdesisyon siyang iwan ang Pilipinas para manirahan sa Amerika at bumuo ng sariling pamilya.
Aminado si Jodi na mas pinili niyang makasama ang dati niyang asawang si Pampi at ang anak nilang si Thirdy at iwan muna ang kanyang buhay at showbiz career sa Pilipinas.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, hindi naging madali para sa kanya ang makabalik sa showbiz mula nang umuwi siya ng Pilipinas noong 2007. Matagal-tagal din siyang naghintay bago ang kanyant “re-establishment” bilang aktres.
Baka Bet Mo: Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’
Sey ni Jodi, bilang isa nang single mom that time (matapos silang maghiwalay ni Pampi), kinailangan niyang magtiis para sa kanyang anak.
Pag-alala ni Jodi, ni-launch siya ng ABS-CBN at Star Magic sa isang variety show noong 1998, “Masaya na ako na nakita ako sa TV. Kasi ‘di ba kapag bata ka, ‘yun lang naman ang gusto mo, makita ka sa TV, makita ka ng mga kaklase mo, makita ka ng mga kapitbahay.
“‘Yun lang talaga ang goal. Pero habang tumatagal siguro mas lumalaki ‘yung pangarap,” kuwento ng aktres.
“Siyempre pinangarap ko rin naman talaga na sumikat,” sey ni Jodi na noong 2005 ay bini-build up na siya ng Kapamilya network bilang isang leading lady.
View this post on Instagram
“But then during that time, I chose love. So nagba-bye po ako sa Pilipinas at nagpakasal po ako sa Amerika.
“A year later bumalik po ako ng Philippines, and then I told one of the BUH (business unit head) na, ‘Puwede ko bang mabalikan kung ano ‘yung mga proyekto na nakalaan na naiwanan ko?’
Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria: Hindi ito ang panahon para manahimik lang, kailangang manindigan na tayo
“And then I remembered this person telling me, ‘Jodi it doesn’t work that way. You have to re-establish yourself,’” aniya pa.
Kinailangan daw niyang maghintay ng halos anim na taon para makabalik sa dating estado ng kanyang career, “I’d say na masaya po ako kasi may work. But then I was also waiting kung kailan darating ‘yung time ko, gaano ba katagal ‘yung re-establishing ng sarili?”
“Wala po akong choice kundi magpatuloy. Because during that time, single mother po ako. I need it to survive. Kailangan po para sa amin ng anak ko,” paliwanag ni Jodi.
Matatandaang ikinasal sina Jodi at Pampi noong March, 2005 sa Nevada, USA na sinundan pa ng isang civil wedding sa Pilipinas noong June, 2005.
Taong 2011 nang sumabog ang balita na hiwalay na ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.