Jodi Sta. Maria matindi ang paghahanda sa bagong project, ibinandera ang malupit na training sa paglangoy
MUKHANG pasabog at kaabang-abang ang bagong proyekto ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria!
Sa social media, ibinandera ni Jodi ang isang video kung saan sumabak siya sa matinding training sa swimming.
Mapapanood sa simula na nasa swimming pool pa lang siya, at sa bandang dulo ng video ay lumalangoy na siya sa gitna ng dagat.
Caption niya sa X (dating Twitter) post, “Everyday is a hustle. Preparing for this new role was NOT easy — physically and mentally.”
“Just because it’s hard doesn’t mean it’s impossible,” wika pa niya.
Saad niya, “Do I get tired? YES. Do I give up? NO. And that’s the only way to get the job done.”
Kalakip niyan ay ang hashtag “project everest” at sabay na nagpasalamat sa tila direktor ng bagong proyekto na si Direk Katski Flores.
Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria: Hindi ito ang panahon para manahimik lang, kailangang manindigan na tayo
Everyday is a hustle. Preparing for this new role was NOT easy — physically and mentally. Just because it’s hard doesn’t mean it’s impossible. Do I get tired? YES. Do I give up? NO. And that’s the only way to get the job done. #projecteverest soon. Thank you Direk Katski for… pic.twitter.com/tb15IcjuxO
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) October 28, 2023
Sa exclusive interview ng news program na “TV Patrol” ng ABS-CBN, chinika ni Jodi ang mga dapat abangan sa kanyang bagong role.
Tanong ng newscaster na si Gretchen Fullido, “Parang ang dami mong atletang stuff ngayon –treadmill, nagba-bike ka, nag-swim ka. May upcoming project ka ba na atleta ang role mo?”
“I’m actually preparing right now for a role,” sagot ng award-winning actress.
Kwento pa niya, “Isa siya sa pinaka challenging in terms of the physical requirement, may kailangang physic ‘yung character, may kailangang lakas ‘yung character. Yes, atleta siya.”
Biro pa ng aktres habang tumatawa, “Magulat kayo, ako na pala si Darna!”
Ang batikang aktres ay kasalukuyang isa sa mga bida ng “Unbreak My Heart,” ang drama series na kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN, GMA 7 at Viu na malapit-lapit nang matapos.
Kasama riyan ni Jodi ang mga bida na sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.
Related Chika:
Marian, Dingdong proud na proud kay Zia, wagi ng 6 medals sa swimming competition
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.