Matteo binalikan ang matinding sakripisyo sa pagsabak sa military training; muling sumaludo sa mga sundalong Pinoy | Bandera

Matteo binalikan ang matinding sakripisyo sa pagsabak sa military training; muling sumaludo sa mga sundalong Pinoy

Ervin Santiago - May 23, 2022 - 07:47 AM

Paolo Guidicelli, Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

NAGING emosyonal si Matteo Guidicelli nang magbalik-tanaw sa pinagdaanan niyang hirap at sakripisyo noong sumali siya sa Philippine Army’s Scout Ranger orientation course.

Taong 2019 nang mag-join ang mister ni Sarah Geronimo sa nasabing Army training na ginanap sa Camp Tecson sa Bulacan.

Sa mga naging panayam noon kay Matteo, paulit-ulit niyang sinabi mula noong naka-graduate siya bilang miyembro ng Scout Ranger reservist ay napakarami nang nagbago sa kanyang buhay.

Inarawan pa nga niyang “life-changing experience” ang isang buwang training course na pinagdaanan niya hanggang sa magtagumpay ngang maging miyembro ng Army’s elite forces.

Sa kanyang Instagram account, binalikan ni Matteo ang araw nang magsimula siyang sumabak sa military training hanggang sa maka-graduate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Dito, ibinahagi niya ang ilang litrato kasama ang kanyang kapatid na si Paolo at ang girlfriend pa lamang niya noong si Sarah G na kuha nang dalawin siya ng mga ito sa kampo.

Aniya sa caption, “Bumped into material from few years back when I was in Ranger school. I clearly remember this day when @pguidicelli and @justsarahgph were in my arms.

“I didn’t want to let go, knowing I only had a few minutes with them. Trying my best not to be too emotional. I was in Ranger training for almost 45 days and it was an emotional roller coaster!

“My snappy salute and respects to all soldiers for the selfless service for our beloved country. And of course to their families for the sacrifice and support. Mabuhay kayo!” mensahe pa ni Matteo.

Pagkatapos ng kanyang graduation, gumawa rin siya ng vlog kung saan inisa-isa nga niya ang pinagdaanang hirap sa military training. Aniya, 10 to 15 pounds ang nawala sa kanya sa loob ng mahigit isang buwang pamamalagi sa kampo ng militar.

“Yung pinaka-learnings ko dun yung ma-enjoy yung pinaka basic sa buhay. Kahit nasa bundok ka apat na araw or isang linggo, yung isang hangin lang na ganyan parang nasa heaven ka na, parang nasa hotel ka na five star.

“Second na natutunan ko, yung rumespeto sa mga sundalo natin. Bago ako pumasok nu’ng civilian pa ako may respeto na ako pero ngayon na sundalo na rin ako, ang respeto ko sa kanila hindi ko ma-describe, yung sakripisyo nila para sa bayan, at para sa pamiya nila, to protect them, So grabe yung respeto ko sa kanila,” pahayag ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/303897/cristine-umiyak-nang-aluking-magbida-sa-project-tungkol-sa-marital-affairs-omg-i-was-shocked

https://bandera.inquirer.net/292184/arci-proud-army-lumipad-pa-korea-makanuod-lang-ng-concert-at-pumila-ng-5-oras-para-bumili-ng-bts-merch

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299007/robin-super-proud-kay-kylie-nakagawa-ako-ng-action-star-na-hindi-fake-totoong-nanggugulpi-at-tumatambling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending