Jayson Gainza ilang beses na ring minura ng direktor Bandera

Jayson Gainza ilang beses na ring minura ng direktor

Reggee Bonoan |January 07,2016
share this

Jayson Gainza ilang beses na ring minura ng direktor

Reggee Bonoan - January 07, 2016 - 02:00 AM

jayson gainza

SA presscon ng “Lumayo Ka Nga Sa Akin” na opening salvo ng Viva Films this year ay natanong si Jayson Gainza kung nakaranas na siyang masigawan at mamura ng direktor.

Ito kasi ang running joke ngayon sa lahat ng showbiz events dahil sa pagrereklamo ng dalawang talent laban kay Direk Cathy Garcia Molina na nakaranas daw ng verbal abuse sa seryeng Forevermore.

Sabi ni Jayson, “Oo, naranasan ko na rin ‘yun, hindi kay direk Cathy, sa ibang direktor. Hindi ako makaiyak, hindi ko alam kung saan ang camera. Papagalitan ka talaga.

“Pero pagkatapos naman nu’n, tatapikin ka, kunyari dinner time, ‘Pasensiya ka na, nasigawan kita, ha.’ Sasabihin ko naman, ‘Pasensiya ka na rin direk kasi hindi ko alam kung paaano po iaarte ‘yun.”

“Ayos naman. Nasa tao naman ‘yan, eh kung magiging negative ‘yung pagtanggap mo kapag pinagalitan ka. Eh ako, ginawa ko, tinanggap ko in a positive way. O sige, pagbubutihin ko, gagawin ko nang tama, magtatanong-tanong ako kung paano ang gagawin,” sabi ng komedyante.

Aminado si Jayson na hindi lang isa o dalawang beses na siyang nasigawan ng direktor at lahat iyon ay positibo ang dating sa kanya dahil alam niya na sa ikabubuti rin niya ito.

Ang pinakamatinding sinabi raw sa kanya ng direktor, “Ang tagal-tagal umiyak niyan! Hindi marunong umarte ‘yan, ang tanga-tanga! Ganu’n. Maraming ganu’ng direktor. ‘Yung iba nga, may nababalitaan ka, namamato pa ng silya.”

Isang beses palang daw nakatrabaho ni direk Cathy si Jayson, kabilang na sa pelikulang “You Got Me” nina Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo at Sam Milby, “Maganda naman experience ko kay direk Cathy.

Si direk Cathy, pag nakasama mo, mabait naman siya,” say ng aktor. Payo pa ni Jayson sa mga baguhang artista, huwag agad sasama ng loob sa mga paninigaw ng direktor dahil sa ikabubuti rin daw nila iyon at tibay ng loob daw ang kailangan.

Mapapanood na ang “Lumayo Ka Nga Sa Akin” na isang trilogy sa Enero 13 mula sa Viva Films. Ang episode nina Jayson na idinirek ni Chris Martinez ay ang “Asawa Ni Marie” na pinagbibidahan ni Cristine Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending