Zsa Zsa Padilla nanlumo, na-hack ang official FB page: Why has it become so easy for the hackers? Bandera

Zsa Zsa Padilla nanlumo, na-hack ang official FB page: Why has it become so easy for the hackers?

Pauline del Rosario |November 24,2022
share this

Zsa Zsa Padilla nanlumo, na-hack ang official FB page: Why has it become so easy for the hackers?

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 11:44 AM
Zsa Zsa Padilla nanlumo, na-hack ang official FB page: Why has it become so easy for the hackers?

PHOTO: Instagram/@zsazsapadilla

HINDI talaga tumitigil ang mga epal na hacker!

Ang naging target naman ngayon ay ang beteranang singer at aktres na si Zsa Zsa Padilla.

Ibinalita mismo ng singer-actress ang pangha-hack na ginawa sa kanyang official Facebook fan page.

Ayon pa sa kanya, ilang taon nilang pinaghirapang mabuo ang FB page, pero nawala nalang ito agad sa isang click lamang.

Sa isang Instagram post, sinabi din ni Zsa Zsa na bukod pa sa kanyang FB page ay na-hack rin ang Facebook ng kanyang negosyo na “Casa Esperanza”, pati na rin ang account ng kanyang kaibigan at FB admin na si Cathy.

Caption niya sa post, “Devastating naman. Na-hack ‘yung official Fan page ko sa FB Which my friend and admin, Cathy built for many years.

“Damay pa ang page ng Casa Esperanza and worst of all, ‘yung personal page niya kasama lahat ng appointments niya for photography until January.”

Apela pa niya, “There’s no way she can contact her clients now! (sad face emoji) Why has it become so easy for the hackers, Meta? Help!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)

Nag-comment ang TV host na si Kuya Kim sa post ni Zsa Zsa at tila may inirerekomendang makakatulong sa kanya.

“I know who can help you zsazsa DM,” sey ni Kuya Kim.

Nagulat din ang tanyag na music producer na si Noel Ferrer at sinabing, “Oh…. grabe ang mga hackers ngayon!!!”

May comment din ang singer na si Ogie Alcasid at sinabing, “Oh no!!! Hope this gets fixed”

Kamakailan lang ay nabalitaan natin na muntik nang mapasok ng hacker ang social media accounts ng aktres na si Ellen Adarna.

Ilan sa mga celebrities na nawalan ng FB account ay  sina Ivana Alawi at Zeinab Harake.

Related chika:

‘Cattleya Killer’ nina Arjo, Jake, Zsa Zsa, Boyet gagawa ng kasaysayan sa MIPCOM Cannes

Zsa Zsa binalikan ang masayang alaala kasama si Cherie Gil: I’ll never forget how beautiful and vibrant you were!

Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending