'Cattleya Killer' nina Arjo, Jake, Zsa Zsa, Boyet gagawa ng kasaysayan sa MIPCOM Cannes | Bandera

‘Cattleya Killer’ nina Arjo, Jake, Zsa Zsa, Boyet gagawa ng kasaysayan sa MIPCOM Cannes

Ervin Santiago |October 16,2022
facebook
share this

‘Cattleya Killer’ nina Arjo, Jake, Zsa Zsa, Boyet gagawa ng kasaysayan sa MIPCOM Cannes

Ervin Santiago - October 16, 2022 - 10:19 AM

'Cattleya Killer' nina Arjo, Jake, Zsa Zsa, Boyet gagawa ng kasaysayan sa MIPCOM Cannes

Jake Cuenca at Arjo Atayde

PATULOY ang pagpapamalas ng ABS-CBN sa husay ng mga Filipino sa paglikha ng mga dekalidad na teleserye at pelikula.

Kabilang na rito ang magaganap na premiere screening para sa pilot episode ng “Cattleya Killer” sa prestihiyosong MIPCOM Cannes, ang pinakamalaking content market sa mundo, sa Oktubre 19.

Panonoorin ang “Cattleya Killer,” na pinagbibidahan ni Asian Academy Creative Awards 2020 Best Actor Arjo Atayde, ng mga lider sa industriya ng entertainment sa MIPCOM Cannes upang makahanap ng global distribution partner para sa serye.

Espesyal din ang premiere screening na dadaluhan ng bida sa serye na si Arjo Atayde at ABS-CBN head of International Production and Co-Production na si Ruel S. Bayani dahil ito ang unang beses na may Filipino drama series na ipalalabas sa MIPCOM Cannes.

Umiikot ang kwento ng “Cattleya Killer” sa isang imbestigasyon ng sunod-sunod na misteryosong pagpapaslang na sangkot ang isang copycat ng serial killer na kinatakutan dati sa buong Maynila.

Magiging prime suspect sa kwento ang anak ng pulis na nakalutas sa kaso matapos maungkat ang mga sikreto mula sa nakaraan. May English subtitles at overdubs din ang six-part series na ginagamit ang wikang Filipino.

Ang direktor ng serye ay si Dan Villegas habang executive producer naman si direk Ruel. Bukod kay Arjo, bahagi rin ng cast sina Jake Cuenca, Christopher de Leon, at Zsa Zsa Padilla.

“It is our vision that Filipino content will be known as innovative, compelling, and meaningful; and that as we become an integral part of the beautiful tapestry of global storytellers, we will find our permanent place in the hearts of the international audience,” pahayag ni direk Ruel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


Nabuo ang “Cattleya Killer” dahil na rin sa tulong ng 2021 Full Circle Series Lab, isang Southeast Asian talent development initiative ng Film Development Council at ng French film company na Tatino Films. Ginabayan din ang proyekto ng international mentors mula sa South Africa, Israel, at Germany.

Ang track record ng ABS-CBN bilang content creator ang tinitingnan ng industry leaders para kunin itong partner sa international co-productions dahil sa dami ng proyekto nito na nakalaan para sa international market.

Matatandaang co-producer din ang ABS-CBN ng pelikula ni Diane Paragas na “Yellow Rose,” na pinagbidahan nina Eva Noblezada at Lea Salonga, na naging unang Filipino film na nagkaroon ng wide theatrical release sa ilalim ng Sony Pictures.

Ang iba pang proyekto ng ABS-CBN kung saan co-producer ito ay ang crime family series na “Concepcion” at ang New Bilibid prison drama na “Sellblock.”

Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: “I can’t do what he did but…

‘Cattleya Killer’ ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart agaw-eksena sa 75th Cannes filmfest; pasabog ang suot na gown na mala-Disney Princess

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending