Ben&Ben may bagong hugot song, major concert sa Dec. 18 na Bandera

Ben&Ben may bagong hugot song, major concert sa Dec. 18 na

Pauline del Rosario |November 24,2022
share this

Ben&Ben may bagong hugot song, major concert sa Dec. 18 na

Pauline del Rosario - November 24, 2022 - 10:30 AM
Ben&Ben may bagong hugot song, major concert sa Dec. 18 na

PHOTO: Instagram/@benandbenmusic

MAY bagong hugot song nanaman ang OPM band na Ben&Ben!

Ito ay may title na “Dear” na nakatakdang ilabas sa Biyernes, November 25.

Ang upcoming single ay inanunsyo ng banda sa kanilang social media pages.

Caption nila sa Instagram, “‘Only the two of us can understand the sureness of our love.’ Our new song comes out on November 25 midnight. It’s called Dear.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)

Maraming fans naman ang napa-comment at tila excited na sa bagong single ng grupo.

May iilan din ang nagsabi na napakinggan na nila ang kanta dahil inawit daw ito ng Ben&Ben noong sila’y nagsagawa ng ilang gigs sa bansa matapos umuwi mula sa kanilang concert tour sa Amerika.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Yes! Super loved ‘Dear’ nung kinanta nyo sa tour! Malalagay ko na sa fave playlist ko!

“Thank you for letting us hear first during the Expo2020 (red heart emoji)”

“Glad to hear this first in Cebu Aurora (red heart emoji)”

Sa Twitter naman ay may ipinost ang Ben&Ben ng ilang linya ng lyrics ng kantang “Dear.”

Ayon sa banda, ito ang follow-up ng kanilang heartbreaking songs na “The Ones We Loved,” “Langyang Pag-Ibig,” at Paninindigan kita.”

Noong November 12 lang nakauwi sa Pilipinas ang banda matapos ang nanganap na concert tour sa U.S. at Canada.

Sa December 18, sure nang matutuloy ang inaabangang major concert ng grupo sa bansa, ang kanilang huling concert para sa taong ito.

Kung matatandaan, hindi natuloy ang send-off concert nila  noong Setyembre dahil sa bagyong Henry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)

Related chika:

Ben&Ben nakabalik na ng Pinas, kumasa sa ilang gigs bago ang ‘homecoming’ concert

2 pang miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng COVID-19; concert sa Isabela nakansela

Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending