Ben&Ben nakabalik na ng Pinas, kumasa sa ilang gigs bago ang ‘homecoming’ concert Bandera

Ben&Ben nakabalik na ng Pinas, kumasa sa ilang gigs bago ang ‘homecoming’ concert

Pauline del Rosario |November 14,2022
share this

Ben&Ben nakabalik na ng Pinas, kumasa sa ilang gigs bago ang ‘homecoming’ concert

Pauline del Rosario - November 14, 2022 - 12:11 PM
Ben&Ben nakabalik na ng Pinas, kumasa sa ilang gigs bago ang ‘homecoming’ concert

PHOTO: Facebook/Ben&Ben

NAKAUWI na sa Pilipinas ang OPM band na Ben&Ben matapos ang kanilang U.S. at Canada concert tour.

Tila walang pahinga ang banda dahil may naka-schedule pa silang mga gig sa bansa bago ang inaabangang major concert sa December 18.

Pagkauwi sa Pinas, una silang nag-perform sa isang mall sa Quezon City.

Post ng grupo sa Facebook page noong November 12, “We’re backkk (heart hands emoji) (Philippine flag emoji) (blue, yello heart emoji) See you soon, Liwanag!!”

Dagdag pa nila, “p.s. kitakits sa Robinsons Magnolia ng mga 6PM bukas. balita ko tutugtog benben don hahaha”

Kasalukuyan naman silang nasa Puerto Princesa sa Palawan para sa isa pa nilang gig.

Sa Facebook post ng grupo kahapon, November 13, ay ibinandera nila ang isang special fan sa Palawan na si Bibielle.

Post pa nila, “This morning, nameet namin si Bibielle dito sa Palawan. She’s a brave little girl. Thank you for being our Liwanag (blue heart emoji) (yellow heart emoji)

“She even sang The Ones We Once Loved to us!! Huhu nakakatunaw ng puso (pleading face emoji)”

Matatandaang hindi natuloy ang send-off concert ng banda noong Setyembre dahil sa bagyong Henry.

Read more:

2 pang miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng COVID-19; concert sa Isabela nakansela

Paolo Guico ng Ben&Ben ibinandera ang weight-loss transformation, matindi ang ginawang sakripisyo

Ilang miyembro ng Ben&Ben nag-positive rin sa COVID-19, concert sa Dubai hindi na muna itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending