2 pang miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng COVID-19; concert sa Isabela nakansela
DALAWA pang miyembro ng award-winning OPM group na Ben&Ben ang tinamaan ng COVID-19 kamakailan lamang.
Ito ang dahilan kung bakit nakansela ang concert ng grupo sa Santiago, Isabela na naka-schedule sanang maganap sa July 2.
Nagpositibo sa COVID-19 ang lead singer ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin at si Toni Muñoz, ang percussionist at vocalist din ng band. Kasalukuyang naka-isolate ang dalawang musikero at nagpapagaling na.
Sa official Twitter page ng Ben&Ben, in-announce ng grupo na na-reschedule ang show nila sa Isabela sa July 17.
“Hello! We’d like to announce that our July 2 show in Santiago, Isabela has been moved to July 17.
“Paolo Benjamin, one of our lead singers, and Toni Muñoz, our percussionist and vocalist, also tested positive for COVID-19. They are currently isolating and recovering,” ang nakasaad sa opisyal na pahayag ng Ben&Ben.
Nauna rito, nakansela rin ang concert ng Ben&Ben sa Surigao nitong nagdaang Linggo matapos ding tamaan ng COVID-19 ang lead singer nilang si Miguel Benjamin.
“Hello bestie! Ikinalulungkot naming sabihing di kami matutuloy sa show natin sa Surigao this June 26.
View this post on Instagram
“Positive si Migs sa COVID-19. Don’t worry, okay naman kami, pero para sa safety nating lahat, naka-isolate lang muna siya. Pasensya na ulit at ingat pa rin tayo nowadays! Takits!” ang mensahe ng grupo na naka-post sa Twitter.
Last week lamang ay ini-release ng Ben&Ben ang kanilang latest single na “Langyang Pag-Ibig”.
Ilan sa mga hit songs ng grupo ay ang “Leaves,” “Maybe the Night,” “Pagtingin,” “Kathang Isip,” “Lifetime,” at “Upuan.”
https://bandera.inquirer.net/287274/benben-todo-papuri-sa-sb19-mga-totoo-silang-tao-saludo-kami-sa-inyo
https://bandera.inquirer.net/316084/robin-shookt-sa-dialogue-ng-anak-na-when-i-grow-up-nanay-i-am-going-to-have-a-husband
https://bandera.inquirer.net/310999/sa-wakas-miss-international-2013-bea-rose-santiago-sumailalim-na-sa-kidney-transplant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.