Sam YG sa pagmamahal ng mga Pilipino sa isports: Parang naging way of life na rin siya
HINDI nakilala ng vloggers at print media ang dating beauty queen na naga-artista na ngayon dahil ang layo-layo raw ng itsura nito kapag napapanood siya sa telebisyon at personal.
Nang bumulaga kasi sa screen ang mukha niya, tanong namin, ‘sino siya?’ na sinagot naman kami ng katabi naming entertainment editor at napaisip din siya at nagtanong naman sa katabing vlogger/columnist.
“Si (bagong artista), iba itsura ‘no? O hindi lang maganda ang make-up at anggulo?” reaksyon din ng mga katabi namin.
Pipiliin na lang naming hindi maganda ang aggulo kaysa sabihing ‘hindi siya maganda’ dahil minsan sa isang panahon ay bitbit naman niya ang bansang Pilipinas nang makipag compete siya sa beauty pageant na sinalihan niya, ‘yun lang hindi siya nanalo.
Siguro sa mga next projects ni ex-beauty queen na nag-aartista na ay makukuha na ang tama niyang anggulo at tamang make-up.
* * *
Inanunsyo ng bagong premier online mobile sportsbook na SportsPlus na napili nito si SamYG bilang opisyal na tagapagsalita.
Isang longtime radio jock, nakilala si Sam YG sa sikat na programa sa radyo, ang “Boys Night Out”. Para sa kaniya, aprubadong-aprubado ang kapana-panabik na sportsbook mobile site.
Nang tanungin tungkol sa bago niyang gampanin, ibinahagi ni Sam YG ang kahalagahan ng isports sa mga Pilipino.
“Their love of sports goes beyond fandom,” aniya. “Di nga lang siya fandom for some, parang naging way of life na rin siya. SportsPlus takes this passion and reinforces it with more fun and excitement.”
Sa online mobile sportsbook, maaari nang pumusta ang mga tagapagtangkilik ng iba’t ibang mga laro sa kanilang mga paboritong atleta at kuponan, na talaga namang nakasasabik.
Kung iisipin, kakaiba ang pakiramdam kung nakatali ang kapalaran ng isang tao sa resulta ng isang malaking laro. Para matikman ang ganitong klaseng excitement, maaaring magrehistro sa https://bit.ly/sportsplusph.
Dinesenyo ang SportsPlus upang gawing madali at nakasasabik pa rin ang sportsbooking para sa mga gumagamit nito.
Akreditaro ng PAGCOR, ginawang mabilis ng SportsPlus ang pagrehistro para sa mga edad 21 pataas. Pagkatapos magrehistro, maaari nang magsimulang tumaya ang mga SportsPlus users sa kanilang mga paborito, gamit lamang ang P100.
View this post on Instagram
Maraming mga larangan ng isports ang matatagpuan sa online sportsbook, gaya ng basketball, football, boxing, MMA, tennis, at iba pa. Dagdag pa rito ang competitive odds na handog ng SportsPlus.
Maaari ring pumusta sa mga malalaking liga ng isports gaya ng NBA, NHL, Premier League, UFC, at iba pa.
Optimalisado rin ang SportsPlus para sa lahat ng mobile device. Hindi na kailangang mag-download ng app: gumagana ang site sa kahit anong standard mobile browser gaya ng Firefox, Chrome, at Safari.
Mayroon ding built-in na GCash ang mobile site, kaya lalo nang simple ang paglipat ng pera mula sa GCash papunta sa site para magamit.
“Sobrang exciting nga,” sabi ni Sam YG, tungkol sa SportsPlus.
“Anytime, anywhere, I can place my bets and cash in and cash out. Ang galing niya at ibang klaseng enjoyment talaga siya. Magugustuhan niyo to. Play for the chance to win the game na!”
Ang paglalarong ito ay para lamang sa edad 21 pataas. Panatilihing masaya. Maging responsable sa paglalaro.
Related Chika:
Sam YG pinakasalan na ang non-showbiz partner sa St. Benedict Church, Silang, Cavite
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.