Sam YG pinakasalan na ang non-showbiz partner sa St. Benedict Church, Silang, Cavite
IKINASAL na ang TV host-actor at dating “Eat Bulaga” Dabarkads na si Sam YG sa kanyang non-showbiz partner na si Essa Santos.
Naganap ang kanilang intimate wedding ceremony sa St. Benedict Church sa Silang, Cavite kahapon, March 13 na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa Instagram account ng radio personality na si DJ Tony Toni makikita ang ilang litrato na kuha niya habang ginaganap ang big day ng bagong kasal.
Ilan nga sa mga ipinost niyang photos sa IG ay ang masayang paglabas nina Sam at Essa sa simbahan at ang paghalik ng groom sa kanyang bride sa harap ng kanilang mga bisita.
“Eto na! Happily self-imposed lockdown foreva eva! Congrats to our brother Mr. Samir & Mrs. Essa Gogna. Signed and sealed with a (kiss emoji)” ang nakalagay na caption sa kanyang IG photos.
Bumuhos naman ang pagbati sa social media para sa bagong kasal, kabilang na riyan ang mensahe ng mga tagasuporta at followers ni Sam YG sa IG at Facebook.
Bago ang naganap na church wedding ng newly-married couple, ibinandera muna ng TV host ang mga bonggang-bonggang picture-perfect prenup photoshoot with the traditional Indian clothing bilang tribute sa pinagmulan ni Sam.
Kuwento niya sa isang panayam, mismong ang nanay niya ang pumili ng kanyang OOTD para sa prenup shoot habang nagdala naman si Essa ng sarili niyang Sari.
View this post on Instagram
Sa isang panayam noon, nabanggit ni Sam na gusto nila ni Essa na magkaroom ng intimate garden wedding sa Tagaytay, “For our wedding, we plan to do an intimate wedding, you know, just the people that really mean a lot to you.
“This is also a celebration to honor them, ‘di ba? To honor the people that have been there from, you know, the get-go, who has been there for us,” aniya pa.
Naging magdyowa sina Sam at Essa noong April 28, 2018 at nag-propose naman ang TV host sa kanyang partner noong January, 2021.
https://bandera.inquirer.net/293482/actor-vlogger-goodbye-muna-sa-youtube-im-scared-to-lose-myself
https://bandera.inquirer.net/284472/john-lloyd-makakatrabaho-nga-ba-si-willie-sa-bagong-project
https://bandera.inquirer.net/306206/carlo-motor-na-lang-daw-ang-laging-kasama-hirit-ng-netizen-kasi-nga-hiniwalayan-ka-na-ni-trina
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.