KC Concepcion napagkamalang si Karla Estrada, sey ng netizens: 'Beautiful!' Bandera

KC Concepcion napagkamalang si Karla Estrada, sey ng netizens: ‘Beautiful!’

Therese Arceo |November 18,2022
share this

KC Concepcion napagkamalang si Karla Estrada, sey ng netizens: ‘Beautiful!’

Therese Arceo - November 18, 2022 - 10:38 PM

KC Concepcion napagkamalang si Karla Estrada, sey ng netizens: 'Beautiful!'

MARAMI ang napa-second look sa isang video upload ng ng aktres na si KC Concepcion.

Noong November 14, ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mga naging ganap niya habang nasa Dubai.

“A day in Dubai. Lunch at @zumadubai + shopping at @thedubaimall – the second largest mall in the world!!!” saad ni KC.

Chika pa ng dalaga, “Ang sakit ng paa ko kakalakad omgggg 😝 But, naka more than 10,000 steps ako today, in fair.”

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang post ni KC habang nag-iikot sa Dubai.

May mga netizens ang super happy na finally nakapunta na sa Dubai ang anak nina Megatar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang napagkamalan si KC bilang ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa unang tingin o sa unang panood nila ng video.

“I thought it was Karla Estrada at first! Beautiful!” saad ng isang netizen.

Segunda naman ng isa, “Same. At first glance I thought it was Karla E too.”

Napag-usapan nga rin nina Cristy Fermin kasama si Romel Chika si KC sa kanilang showbiz program na “Cristy Ferminute”.

Marahil daw ay kaya marami sa mga netizens ang napagkamalan ang dalaga bilang si Karla ay dahil na rin siguro sa timbang nito.

“Ito totoo ‘to at galing sa puso, hindi po nakakahiya na itulad ang hitsura ni KC kay Karla Estrada. Pareho po silang maganda. Pareho po silang maganda sa pananaw po natin. Harapan at talikuran, maganda rin si Karla Estrada. Siguro ang pinagbabasehan dito ay ang kanilang bigat, ang kanilang weight,” sey ni ‘Nay Cristy.

Chika naman ni Romel, mayroon raw kasing sakit ang dalaga at may epekto ang iniinom nitong gamot sa pagdaragdag ng kanyang timbang.

“Totoo ‘yan, parang si Angel Locsin, di ba? Bakit hindi agad-agad nakakapagbawas ng timbang. Meron pong pinangangalagaan na ibang bahagi ng kanilang katawan na magiging kontra doon sa pagda-diet. Ngayon si Karla naman, aba’y magandang karangalan na magkamukha sila ni KC,” hirit pa ni Cristy.

Sa kabila ng maraming komento na magkamukha raw ang dalaga at ang dating “Magandang Buhay” host ay wala namang tugon ang anak ni Sharon at Gabby ukol rito.

 

Related Chika:
KC Concepcion hindi kayang basagin ang regalong mug ng ex-dyowa, bakit kaya?

KC Concepcion, Apl de Ap may relasyon nga ba?

KC Concepcion pinalitan si Toni Gonzaga bilang lead star sa US movie na ‘Asian Persuasion’

Cristy Fermin kinampihan si KC Concepcion: Wala pong may gusto na ganito ang itsura ng kanyang weight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending