KC Concepcion hindi kayang basagin ang regalong mug ng ex-dyowa, bakit kaya? Bandera

KC Concepcion hindi kayang basagin ang regalong mug ng ex-dyowa, bakit kaya?

Therese Arceo |February 01,2022
share this

KC Concepcion hindi kayang basagin ang regalong mug ng ex-dyowa, bakit kaya?

Therese Arceo - February 01, 2022 - 06:59 PM

KC Concepcion hindi kayang basagin ang regalong mug ng ex-dyowa, bakit kaya?

IPINASILIP ng anak ni Megastar na si KC Concepcion ang kanyang paboritong lugar sa kanyang Casa Kristina.

Ito ay ang kanyang dining area kung saan makikita ang iba’t ibang koleksyon ng dalaga.

Matapos ang kanyang pasilip sa paboritong lugar ay nagkaroon ng mini question and answer si KC kung saan tatanungin siya ng kanyang team at ang sagot ay makikita sa kanyang mga koleksyon.

Ilang mga koleksyon rin ang ipinakita ng dalaga gaya na lang ng kanyang sarilng coffee table book, mga libro na regalo sa kanya ng malapit niyang kaibigan, at ang cook book na madalas niyang gamitin.

Pero nang tanungin siya kung anong bagay sa kanyang koleksyon ang nais niyang basagin ngunit hindi niya magawa ay isang mug na may gold skull design ang kanyang kinuha.

“The item that I want to break but never could break is this beautiful mug given to me by my ex-boyfriend,” saad ni KC.

“You should always honor your past. Naiiyak na ko… I love you, charot!” kunyaring naiiyak na sabi niya.

Dagdag pa ni KC, “You know who you are! I hate you!”

Pagpapaliwanag naman niya, gusto niya ang colors ng nasabing mig kaya hindi niya ito mabasag.

“Again, by the way, I love gold and i love white so that’s why I decided to keep this in my collection.”

Nang i-check namin ang comment section ay may isang netizen ang nanghula na kay Paulo Avelino raw nangaling ang nasabing mug.

“I’m pretty sure the mug is from Paulo Avelino. Paulo was a thoughtful one, who gave her gifts even the simpliest ones. Also they both love coffee and skulls.

It seems to me that they remained friends after because I saw Pau answered a question recently that they still talk. Hope they get to work together again,” saad ng netizen.

Matatandaang 2013 nang aminin ni Paulo sa “The Buzz” na nanliligaw siya sa anak ni Megastar.

Noong 2015, dalawang taon matapos ang kanyang pag-amin sa panliligaw sa dalaga ay muling nag-guest si Paulo kasama sina Maja Salvador at Jericho Rosales sa “The Buzz” at dito ay muli siyang tinanong sa naging estado ng kanilang relasyon ni KC.

Dito ay inamin niya na naging sila ng dalaga ngunit hindi na niya in-elaborate pa ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“KC and I are friends. And I will always be there for her whenever she needs me,” sey ni Paulo.

“Well, she’s single, she’s beautiful… We have different priorities now so…” dagdag pa niya.

Related Chika:
KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending