KC Concepcion, Apl de Ap may relasyon nga ba? Bandera

KC Concepcion, Apl de Ap may relasyon nga ba?

Reggee Bonoan |September 01,2022
share this

KC Concepcion, Apl de Ap may relasyon nga ba?

Reggee Bonoan - September 01, 2022 - 09:50 AM

KC Concepcion, Apl de Ap may relasyon nga ba?
ONCE and for all ay sinagot na ni KC Concepcion kung ano ang naging real score nila ng miyembro ng Black Eyed Peas Fil-Am rapper/singer/producer na si Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang si Apl de Ap.

Matatandaang na-link ang panganay ni Sharon Cuneta sa dating coach ng “The Voice” noong 2021 dahil nakikita silang magkasama sa ilang events at mas lalo pang nagpatibay na may ‘something’ noong nag-Palawan sila para sa “Kitchen collab”.

Sa panayam ni “TV Patrol” reporter MJ Felipe kay KC sa Los Angeles, California na umere nitong Miyerkoles ay sinagot na nito ang tungkol kay Apl de Ap.

“No, hindi kami. very close kami, I love the guy, I respect him, I admire him, I really… natatawa ako, like pinapatawa niya ako nang sobra-sobra, mabait siya sa akin. Hindi naman (nanliligaw), he’s very busy on tour as well,”diin ng dalaga.

Isa pang klinaro ng aktres ay ang tsikang buntis siya.

“Guys, ang tagal n’yo nang isyu ‘yan ha?” tumatawang sabi nito.

At sabay aming, “I wish..I wish pero wala, ang daming beses ko ng supposedly buntis hindi talaga.”

Sa kasalukuyan ay single si KC dahil, “dito sa States medyo mahirap mag-date minsan akala mo serious pero casual lang pala but of course I’m in my 30’s.”

Aminado rin ang dalaga na pangarap din niyang ikasal siya sa tamang panahon, “kasi kinasal ‘yung sister ko (Cloie Syquia) sa Sweden, naunahan pa ako ha, ha, ha, ha.”

Samantala, uuwi ng Pilipinas si KC next week para dumalo sa debut party ng kapatid niyang si Miel Cuneta Pangilinan na magdiriwang ngayong buwan.

Natanong din ni MJ si KC tungkol sa pag-amin ni Miel na miyembro siya ng LGBTQIA plus community.

“I didn’t know about it, I found out with everyone else but after that, I’ve just talked to mom and dad, ‘kung saan siya happy and did you know about this? And if that what makes you happy then we all support her,” pahayag ng ate ni Miel.

Tapos na ang Hollywood movie na ginawa ng aktres na “American Persuasion” at ipalalabas ito sa Enero 2023.

Limang buwan namalagi si KC sa New York City, USA para sa entire shoot ng pelikula na isasali sa iba’t ibang film festivals sa US.

Tsika pa nito, “nakakatawa ‘yung pelikula na kuwento ng two people na nag-divorce and then ayaw magbayad nu’ng lalaki, so naghahanap siya ng way kung paano takas an ‘yung alimony, so, ako ‘yung asawa niya.”

Anyway, wala namang nabanggit ang aktres kung magtatagal siya sa bansa pag-uwi niya sa susunod na linggo.

Related Chika:
KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

KC Concepcion, Apl.de.Ap nahuling ‘magka-date’ sa US

KC, Apl.de.ap magkasamang nag-Bagong Taon sa Palawan; magdyowa na nga ba?

KC may bonggang pa-shoutout para kay Apl.de.ap: Thank you for always inspiring me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending