KC, Apl.de.ap magkasamang nag-Bagong Taon sa Palawan; magdyowa na nga ba? | Bandera

KC, Apl.de.ap magkasamang nag-Bagong Taon sa Palawan; magdyowa na nga ba?

Reggee Bonoan |January 01,2021
facebook
share this

KC, Apl.de.ap magkasamang nag-Bagong Taon sa Palawan; magdyowa na nga ba?

Reggee Bonoan - January 01, 2021 - 02:02 PM

HINDI pa kinukumpirma ni KC Concepcion kung boyfriend na niya ang international singer na si Apl.de.Ap na kasama niyang nagbakasyon sa Angkla Beach Club & Boutique Resort sa El Nido, Palawan.

Balitang kasama rin nila ang ilang malalapit na kaibigan sa nasabing  beach resort para salubungin ang New Year.

Kuwento ng aming source, pinakiusapan nila ang staff ng resort na kung puwede ay hindi sila kukunan ng larawang magkasama at kung mayroon man ay hindi nila ito puwedeng i-post sa kani-kanilang social media account at sa page ng Angkla Beach Club bilang promo.

Nangako naman ang staff at in fairness natuwa naman sina KC at Apl dahil sumunod naman talaga sila kaya masaya ang dalawa at malaya silang nakakakilos kasama ang kanilang trusted friends.

Nag-post si KC sa kanyang Instagram account ng larawan niyang naka-long dress na kulay gold sa harap ng kawayang may nakalagay na 2021.

Ang caption ng dalaga, “Finally ’21. Adulting (emoji heart). To reap the rewards of the lessons learned in 2020 is the hope for the new year ahead. Happy new year, everyone!”

Binati si KC ng amang si Gabby Concepcion ng, “Happy New Year.”

Isang netizen naman na may handle name na @jengmal9 ang nagtanong sa aktor ng, “@concepciongabby Happy New Year! Naipakilala na ba sa yo si (apple emoji)?’’

Hindi sumagot si Gabby sa tanong sa kanya at nag-trending naman ang komentong ito ni @jengmal19 kung bakit may mansanas siyang binanggit at sinagot niya lahat ang nagtanong ng, “Magkasama po sila.”

Ano ang pruweba?

May lalaking nagpa-picture kina KC at Apl.de.Ap na magkahiwalay sila pero sa parehong spot at in-upload sa social media na kaagad namang nakunan ng netizens.

Walang binanggit ang aming source kung staff ito ng hotel dahil habang sinusulat namin ang balitang ito ay inaalam nila ang pagkakakilanlan ng nagpa-picture.

Ang basa namin dito ay baka nasa dating stage palang ang dalawa at kaya hindi pa inaamin ng aktres ang tungkol sa kanila ng international singer-producer ay dahil hindi pa sila official?

Anuman ang relasyong mayroon sina KC at Apl, siguradong happy ang kanilang 2021!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending