KC may bonggang pa-shoutout para kay Apl.de.ap: Thank you for always inspiring me | Bandera

KC may bonggang pa-shoutout para kay Apl.de.ap: Thank you for always inspiring me

Ervin Santiago |September 05,2021
facebook
share this

KC may bonggang pa-shoutout para kay Apl.de.ap: Thank you for always inspiring me

Ervin Santiago - September 05, 2021 - 02:15 PM

Apl.de.ap, KC Concepcion at Jordan Andino

MAY special shoutout ang TV host-actress na si KC Concepcion para sa dalawang lalaking itinuturing niyang espesyal sa kanyang buhay.

Idinaan ng panganay ni Megastar Sharon Cuneta sa social media ang appreciation post niya para sa  Black Eyed Peas member na si Apl.de.ap at sa Filipino-Canadian chef na si Jordan Andino.

Ibinahagi ni KC ang litrato nilang tatlo sa Instagram kung saan pinasalamatan niya ang mga ito sa pagiging supportive sa kanya kapag naroon siya sa Amerika.

“My homeboys!!! The coolest peeps I can ask for.

“Thank you for always inspiring me & helping me make America feel like home. Love you both so much!!!” ang caption ni KC sa kanyang IG post.

Matagal nang nali-link sina KC at Apl.de.ap ngunit hanggang ngayon ay walang inaamin o dinedenay ang dalawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung matatandaan, taong 2013 nang mabalitang nililigawan ng international singer si KC ngunit hindi nga umubra sa kanila ang long distance relationship. Pero nanatili naman ang kanilang friendship.

At noong March, 2020 naman, muling nabuhay ang balitang nagkakamabutihan na ang sina KC at Apl.de.ap nang makita silang magkasama rito si Manila.

Lumipad patungong Amerika nito lamang Hunyo si KC para magbakasyon. Sa isa niyang IG post sinabi pa niyang, “US seems to have ironically emerged as one of the safest places to be (pandemic wise) in these challenging times.

“I have a refreshed admiration for the way this country is able to bounce back from adversity.

“Missing my home, Churro & Chica, fam and friends in the Philippines. But also grateful for whatever I have in front of me here,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang nababanggit ang aktres kung kailan siya babalik sa bansa ngunit marahil ay magtatagal pa siya sa Amerika dahil nga kamakailan lamang ay naghahanap pa ang dalaga ng apartment na marerentahan sa West Hollywood, California.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending