Cristy Fermin kinampihan si KC Concepcion: Wala pong may gusto na ganito ang itsura ng kanyang weight Bandera

Cristy Fermin kinampihan si KC Concepcion: Wala pong may gusto na ganito ang itsura ng kanyang weight

Therese Arceo |August 30,2022
share this

Cristy Fermin kinampihan si KC Concepcion: Wala pong may gusto na ganito ang itsura ng kanyang weight

Therese Arceo - August 30, 2022 - 06:52 PM

Cristy Fermin kinampihan si KC Concepcion: Wala pong may gusto na ganito ang itsura ng kanyang weight

IPINAGTANGGOL ng kolumnistang si Cristy Fermin ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Sa kanyang show na “Cristy Ferminute” kasama ang co-host na si Rommel Chika napag-usapan nila ang dalaga.

“Si KC naman nakakaawa dahil bina-bash siya kasi sa paglapad at paglaki ng katawan ni KC… parang mas nanay pa raw ang itsura ni KC kaysa kay Sharon,” saad ni Rommel.

Pahayag naman ni Nanay Cristy, noon pa man ay sinabi na nila na hindi na talaga papayat nang sobra ang dalaga dahil “big bone” daw ito gaya ng kanyang ina.

“Hindi natin maaasahan na papayat nang todo talaga pero aminin natin na ang pagkabawas ng timbang ay nakababata,” pagpapatuloy ng kolumnista.

 

 

Ani Nanay Cristy, gaano pa man daw kaganda ang isang tao, kapag nadagdagan ang timbang ay tila nadadagdagan rin ng edad ang itsura.

Singit naman ni Rommel, dapat daw ay huwag nang i-bash si KC dahil base raw sa interview nito lately ay na-diagnose ito ng Polycystic ovary syndrome o PCOS.

Nabanggit rin ni Nanay Cristy ang aktres na si Angel na isa rin sa mga artistang madalas makatanggap ng hate comments ukol sa kanyang pangangatawan.

Hirit pa ni Rommel, hindi rin naman daw alam ng madlang pipol ang pinagdaraanan ni KC kaya sana ay huwag itong husgahan dahil may iniinda ito.

Sey naman ni Nanay Cristy, “Yung kay KC po, wag naman po nating i-bash bash yung tao, wala pong may gusto na ganito ang itsura ng kanyang weight, ng kanyang katawan. Lahat po ng babae eh nangangarap po na maayos ang kanyang katawan kaya lamang kung meron pong mga humahadlang na dahilan, unawain po natin.”

Related Chika:
KC Concepcion pinalitan si Toni Gonzaga bilang lead star sa US movie na ‘Asian Persuasion’

Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker

KC Concepcion humingi ng tulong para sa New York film na ‘Asian Persuasion’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending