Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker | Bandera

Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker

Alex Brosas |December 13,2021
facebook
share this

Pangarap ni KC Concepcion tinupad ng Hollywood actress na si Jessica Parker

Alex Brosas - December 13, 2021 - 07:07 AM

Sarah Jessica Parker at KC Concepcion

ANG feeling ni KC Concepcion ay super suwerte siya dahil nakasama niya sa isang selfie photo ang famous Hollywood actress na si Sarah Jessica Parker.

In her excitement ay ipinost agad-agad ni KC ang photo niya kasama ang “Sex and the City” actress sa kanyang Instagram account.

Ang caption niya ay, “And just like that… some new dreams I dreamed came true.”

For her pala ay dream come true na ma-meet at makasama niya sa photo si Sarah Jessica.

Nangyari ang picture taking sa isang event called “And Just Like That.”

“My heartfelt thanks to the NY/CA GUCCI Team for bringing forth my inner Carrie Bradshaw at last night’s intimate #AndJustLikeThat premiere. I had so much fun with this!!!

“Especially grateful for my dear @marsbe who was hard at work playing dress up with me to properly celebrate the new chapter of Sex and the City! @hbomax fam, especially my dearest @jpreyesmallo, thank you for inviting me as your guest to celebrate friendship, fashion, love, and most of all, life.

“We had less than 72 hours.

“It wasn’t logic, it was love.”

‘Yan ang caption ni KC sa isa pa niyang photo na kuha sa nasabing event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID


* * *

Isang masaya at emosyonal na reunion ang naganap sa “It’s Showtime” nitong Martes (Dis. 8) matapos mahulaan ng tama ng “It’s Showtime” dancers na sina Stephen Robles, Neri, and Sanrio ang lahat ng pitong tanong sa “Madlang Pi-Poll” at makapag-uwi ng jackpot prize na P150,000.

Pangalawa pa lang sila sa grupo ng studio players na nakapulso sa lahat ng sagot ng madlang pipol matapos itong unang magawa ng G-Force members na sina Jorge Marvin, Myka Gonzaga, at John Michael nitong Setyembre.

Sa huling round, ginamit nila ang poll support para makatulong sa paghula sa tamang sagot sa tanong na “Kailan ka huling napapikit sa sarap?” Matapos ang kanilang diskusyon, pinili nila ang choice na “Noong nakaihi matapos magpigil ng matagal” na siyang sagot ng karamihan ng home viewers (34%).

Napaiyak naman si Stephen sa nangyari at sinabing rinequest niya ito sa kapatid na pumanaw noong nakaraang taon. “Super saya po atsaka ni-request ko ‘to sa kuya ko,” saad niya.

Emosyunal din na nagpasalamat si Neri sa noontime show dahil sa pagpili sa kanilang maglaro sa “Madlang Pi-Poll.”

“First all of gusto ko magthank-you sa mga staff ng It’s Showtime at sa inyong lahat (mga hosts).Thank you kasi binigyan niyo kami ng trabaho. Lahat kami walang work. Hindi ko ine-expect ito.

“Noong kagabi pa lang nang tinext ako na maglalaro kami, nanlamig yung kamay ko. Bigla akong nagdasal sabi ko, ‘Lord, ikaw na po ang bahala. Manalo, matalo, kayo na po ang bahala.’ Alam ko tinakda Mo itong araw na ito,” kwento niya.

Magkahalong saya at lungkot naman ang naramdaman ni Sanrio sa pagkapanalo sa contest. Ani niya, “Sobrang saya po tapos nakakalungkot din. Sobrang saya po na nandito kami ulit tapos nakakalungkot kasi hindi na tulad ng dati.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi naman ni Vice Ganda na huwag na siyang malungkot at biniro pa tungkol sa kanyang performance, “Huwag kang mag-alala. Dahil sa pinakita mong performance kanina, akong bahala,” saad niya.

Panalo rin naman ang tatlong home viewers matapos magbigay sina Vice at Ogie Alcasid ng P10,000 kasama ng ABS-CBN merchandise bilang consolation prizes.

KC nakumpleto na ang laman ng apartment sa Hollywood; umaming adik na adik sa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending