KC Concepcion humingi ng tulong para sa New York film na 'Asian Persuasion' | Bandera

KC Concepcion humingi ng tulong para sa New York film na ‘Asian Persuasion’

Therese Arceo |June 11,2022
facebook
share this

KC Concepcion humingi ng tulong para sa New York film na ‘Asian Persuasion’

Therese Arceo - June 11, 2022 - 10:14 PM

KC Concepcion humingi ng tulong para sa New York film na 'Asian Persuasion'

NANAWAGAN si KC Concepcion sa publiko  g tulong para matapos ang kanyang New York movie na “Asian Persuasion” dahil nagkaroon ito ng problemang pinansyal habang isinasagawa ang kanilang filming.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng anak ni Megastar ang mga naging behind-the-scenes footage ng pelikula nitong Biyernes, June 10.

Base sa video, nagkaroon daw ng hindi inaasahang pangyayayari habang ginagawa ang pelikula na wala sa kanilang original budget.

“We just wrapped principal photography last month on May 18, 2022. While we were filming, one of our main talent contracted COVID-19 and we had to pause production for 12 days, costing us $100,000 (P5.3 million) in production expenses that we did not have in the budget,” saad ng producer ng naturang pelikula.

Hindi man nila pinangalanan kung sino sa kanilang mga cast ang tinamaan ng nakahahawang sakit ngunit kung matatandaan, napabalitang nagkaroon ng malalang kaso ng COVID-19 si KC noong nakaraang buwan bago pa man matapos ang shooting ng pelikula.

Sa caption naman ng aktres sa post ay sinabi nito kung gaano kaimportante ang “Asian Persuasion” para sa Asian community.

“Having the chance to be part of this Asian-American romantic comedy as a Filipina means more to me than just getting an acting job in America. I think I speak for so many Asian actors who grew up wishing and waiting for this time to come for us to be seen, heard and represented, in all our different skin tones, body shapes, and backgrounds,” saad ni KC.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

 

Pagpapatuloy niya, “This movie is about family, relationships, love, failures, resilience, success, and fighting for what you love. That’s why this story is yours, as much as it is mine.

“This is us. Made by us. Made for us. And made to represent us… LET’S MAKE THIS MOVIE HAPPEN!”

Matatandaang noong April nang ipahayag ni KC na siya ang magiging lead actress ng pelikula kung saan katambal niya ang aktor na si Dante Basco.

Originally ay si Toni Gonzaga ang napiling bibida sa pelikula pero dahil sa may conflict ang kanyang schedule ay hindi na siya natuloy at tuluyan na ngang pinalitan ng anak ni Megastar.

Sa ngayon ay nasa post-production stage na ang pelikula at nakatakdang mag-premiere sa isang major film festival sa susunod na taon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sharon ibinandera ang pagiging proud nanay sa Hollywood movie ni KC: Show the world what you’ve got!

KC Concepcion pinalitan si Toni Gonzaga bilang lead star sa US movie na ‘Asian Persuasion’

KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending