Bea may paalala sa importansya ng day off: Kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe | Bandera

Bea may paalala sa importansya ng day off: Kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe

Ervin Santiago |November 17,2022
facebook
share this

Bea may paalala sa importansya ng day off: Kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe

Ervin Santiago - November 17, 2022 - 07:34 AM

Bea may paalala sa importansya ng day off: Kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe

Bea Alonzo

KAHIT gaano ka-busy at ka-loaded sa trabaho ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, sinisiguro niya na may ilang araw din siyang day off.

Ayon sa leading lady ni Alden Richards sa Kapuso primetime series na “Start-Up PH”, napakahalaga ng ilang araw na pahinga mula sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho.

Sa isang YouTube vlog ng aktres, pinaalalahan ng dalaga ang kanyang mga fans at social media followers na hangga’t maaari at kung may pagkakataon kailangang magpahinga at mag-pause sa pagiging busy.

“It’s nice to be busy, it’s nice to be productive, it’s nice to do what you love to do, but also kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe,” pahayag ng girlfriend ni Dominic Roque.

Aniya, mas maa-appreciate raw natin ang life kapag nakapag-recharge at nakapagmuni-muni. Kaya naman lagi siyang looking forward sa kanyang day off.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Ilan daw sa mga ginagawa niya kapag rest day niya ay ang pakikipag-bonding sa pamilya, mga kaibigan at sa kanyang mga dogs.

Nagluluto rin daw siya, nagwo-workout, nakikinig sa mga favorite niyang podcast at siyempre ang pakikipagchikahan sa kanyang mga fans.

Bukod pa riyan, “Whenever I have free time, I go around the house checking kung ano na ba ‘yung kailangan i-repair, kung ano ba ‘yung kailangang pinturahan, kung ano na ba ‘yung mga kailangan magkaroon ng changes.”

Sa ngayon, nadagdag sa mga gawain niya ang pagtse-check sa ipinagagawa niyang office at  apartment sa Spain.

Sharon iniwan muna ang pamilya sa Pinas: I need to breathe, collect myself

Winwyn ibinandera kung gaano kaalaga si Joey sa kanyang mga apo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ariella Arida palaban na rin sa pagpapaseksi pero game na rin bang maghubo’t hubad sa pelikula?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending