Sharon iniwan muna ang pamilya sa Pinas: I need to breathe, collect myself | Bandera

Sharon iniwan muna ang pamilya sa Pinas: I need to breathe, collect myself

Ervin Santiago - May 12, 2021 - 09:49 AM

NAGDESISYON si Megastar Sharon Cuneta na iwan muna ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay para lumipad patungong ibang bansa.

Kahapon, mag-isa ngang umalis si Shawie ngunit hindi siya nagbigay ng detalye kung saang bansa siya pupunta at kung gaano siya katagal mawawala sa bansa.

Ayon sa movie icon, kailangan muna niyang mapag-isa at iwan ang pamilya pansamantala para “makahinga” at makapag-recharge sa gitna ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Mega ang ilang litrato kung saan makikita ang ilang emosyonal na kaganapan habang nagpapaalam siya sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at sa tatlo nilang anak.

“Praying and saying bye to my family,” ang maikling caption ng singer-actress kalakip ang isa pang photo na kuha habang sila’y nagdarasal.

Sa isa pang IG post, ibinahagi naman ni Sharon ang mga kaganapan nang dumating siya sa airport kasama na ang mga litrato ng kanyang passport, ang signages ng mga kailangang sundin na health protocols pati ang picture niya suot ang protective gear.

“I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are.

“But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents,” ang caption na isinulat niya sa kanyang post.

Ayon pa kay Mega siguradong mami-miss daw niya ang lahat ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta, “I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys.”

Bumuhos naman ng mga positibong mensahe para kay Mega mula sa mga Sharonians na nangakong ipagdarasal siya sa kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon sa kanyang personal na buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending