Ariella Arida palaban na rin sa pagpapaseksi pero game na rin bang maghubo't hubad sa pelikula? | Bandera

Ariella Arida palaban na rin sa pagpapaseksi pero game na rin bang maghubo’t hubad sa pelikula?

Reggee Bonoan |May 31,2022
facebook
share this

Ariella Arida palaban na rin sa pagpapaseksi pero game na rin bang maghubo’t hubad sa pelikula?

Reggee Bonoan - May 31, 2022 - 04:29 PM

Tony Labrusca at Ariella Arida

IIKOT ang kuwento ng pelikulang “Breathe Again” nina Ariella Arida, Jela Cuenca, Ivan Padilla at Tony Labrusca sa isang long term relationship na biglang nawasak dahil sa pangangaliwa.

Sina Ariella at Ivan ay pitong taon nang magkarelasyon at nagulo nga ang kanilang pagsasama dahil nakilala ng dalaga si Tony.

Kaya ang tanong kay Ariella sa digital presscon ng pelikula ay kung naniniwala siya sa kasabihang “seven-year itch” sa isang relasyon at nakaka-pressure ba ito sa part niya at paano siya naiimpluwensiyahan nito?

“Sa girls siguro hindi ko alam kung ako lang and some of my other friends na ayaw kong isipin na sinasabi kasi nila na minsan sa age nu’ng girl kaya nakaka-pressure sa babae kasi you’re not getting any younger.

“And with this film, oo totoo (naniniwala) especially when you’re coming in a long term relationship kagaya nga ni (karakter) Joanna and mga friends na ang mga ina-attendan mo wedding na ng kaibigan mo o binyagan and you’re still in a relationship.

“So, there’s a pressure sa girls I don’t know sa guy, it’s a different story,” paliwanag ni Binibining Pilipinas Universe 2013.

Maraming sexy scenes sina Ariella at Tony sa “Breathe Again” na idinirek ni Raffy Francisco for Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa June 3.

Hanggang saan ang limitasyon ng dalaga pagdating sa mga eksenang magpapakita ng skin at willing ba siyang mag-all out?

“Basta depende sa story line, sa story ng film. Naniniwala naman ako na as long as it’s been taken very artsy something like that why not, sensual pa rin naman ang dating,” sambit ni Ariella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ARIELLA ARIDA (@araarida)


Samantala, apat na beauty queens na ang napapanood sa Vivamax, nauna si Cindy Miranda (Bb. Pilipinas Tourism 2013) sa pelikulang “Adan” at iba pa, Kylie Verzosa (Miss International 2016) sa “The Housemaid” etcetera, Janelle Tee (Miss Philippines Earth 2019) sa “Pusoy” at “Putahe” at si Ariella nga sa “Sarap Mong Patayin” at itong “Breathe Again.”

Kaya ba ni Ariella na makipagsabayan sa pagiging palaban sa paghuhubad ng mga kapwa beauty queen? “I don’t see it as a competition, actually. It’s more of challenging yourself, especially ganoon naman sa life. Kung nasaan ka, it’s either laging may bagong dumarating.

“So, it’s challenging and it’s better to be like that. Kasi kung walang challenge, hindi mo mapu-push yung sarili mo to do things na kaya mo palang gawin,” say nito.

At nasambit din ni Ariella na wini-wish niyang magkasama-sama silang apat sa iisang proyekto.

“I’m actually dreaming na sa isang project, magkakasama kami. That’s exciting and kayo na ang bahalang humusga,” napangiting sabi ng dalaga.

At dahil sumabak na rin sa paggawa ng pelikula ay natanong si Ariella kung ano ang mahirap gawin para sa kanya, ang rumampa sa Miss Universe pageant o ang gumawa ng sexy scenes sa pelikula.

“Parehong mahirap in a different level. Sa Miss Universe kasi parang you’re most focused on yourself, how to bring out the best for yourself.

“Mas mahirap sa pelikula just because hindi ka lang mag-isa. Maraming ka-work na kailangan mo i-consider. Unlike sa pageant, ikaw lang talaga. Ikaw lang ang gagawa for yourself, how to shine.

“Sa film, you have your co-actors, your director. Iba rin yung dynamics sa pelikula. May drama, may emosyon.

“Sa Miss Universe, it’s more on pag-smile mo lang or fierce ka lang, paano ka rumampa,” paliwanag nitong mabuti.

Paano naman niya ilalarawan ang leading man niyang si Tony? Natawa muna ang dalaga sabay sabing, “Si Tony parang perfect example of deep blue see, color of the see. Physically, he’s perfect for his body and very fit.  Para siyang sa Baywatch, he’s hot like that.”

Kumusta naman ang breath ni Tony since marami silang kissing scenes lalo na sa ilalim ng dagat, “Unang-una si Tony matagal ‘yung breath power niya. Ha-hahaha!

“Super galing n’yang si Tony mag-hold ng breath, I’m super amazed it’s such a natural under water and of course we’re all working in the sea, so, we’re both salty ha, ha, ha, ha,” natawang paglalarawan ni Ariella kay Tony.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, abangan ang mga sizzling scenes pa nina Tony at Ariella sa ilalim ng dagat sa “Breathe Again” sa Vivamax simula sa June 10.

Ariella Arida never lolokohin ang dyowa: Natatakot po ako sa karma, sa panandaliang saya lang…

Ariella Arida kay Miss Universe PH Bea Gomez: I have nothing against her being openly gay

Vice todo pasalamat kay Rabiya; Ariella nasayangan sa mukha ni Miss Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending