Billy Crawford pasok sa grand finals ng ‘Dancing with the Stars’ sa France
NAKAPASOK sa Grand Finals ng dance competition sa France na “Danse avec les Stars (Dancing with the Stars)” ang TV host na si Billy Crawford at ang dance partner niya na si Fauve Hautot.
Ang latest na laban ay nangyari noong Sabado, November 5, at diyan inanunsyo na sila ang unang nag-qualify sa final round.
Ibinandera mismo ni Fauve ang magandang balita sa kanyang Instagram account.
Sinabi ng dancer na nakakuha sila ng matataas na score sa dalawang sayaw kaya nag-qualify agad sila sa finals.
Sey pa sa caption kalakip ang kanilang litrato ni Billy, “The first to qualify for the final without going head to head (star emoji).”
View this post on Instagram
Una nilang sinayaw nitong weekend ang “paso doble” sa kantang “Let’s Get It Started” ng Maneskin, at ang second performance ay ang “rumba” sa kanta naman ng “Chasing Cars” ng Snow Patrol.
Sa hiwalay na IG post ni Fauve ay sinabi nga niya na ang unang performance ay mismong si Billy ang nag-choreo ng sayaw.
“Insane double Paso, which earned Billy and Fauve three 10s and a 9 from Chris! Absolutely loved this performance, whether it was the choir, stage, music or performance by Billy! Big congratulations!,” lahad sa post.
View this post on Instagram
Alam niyo ba mga ka-bandera, kasalukuyang may iniindang back injury si Billy pero mukhang hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagtatanghal.
Napuri pa nga siya ng isang judge at sinabing, “You made us forget that you had back pain.”
Matatandaang noong Setyembre lang nag-umpisa ang 12th season ng dancing competition at unang salang palang nina Billy ay nakatanggap na sila ng standing ovation mula sa mga judges.
Nagkaroon din ng special performance sa kompetisyon ang misis ni Billy na si Coleen Garcia sa nakaraang segment.
Read more:
Billy Crawford sa pagbabalik-GMA: Kagulat-gulat, hindi kapani-paniwala!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.