Billy Crawford sa pagbabalik-GMA: Kagulat-gulat, hindi kapani-paniwala! | Bandera

Billy Crawford sa pagbabalik-GMA: Kagulat-gulat, hindi kapani-paniwala!

Ervin Santiago |August 11,2022
facebook
share this

Billy Crawford sa pagbabalik-GMA: Kagulat-gulat, hindi kapani-paniwala!

Ervin Santiago - August 11, 2022 - 07:06 AM

Billy Crawford, Coleen Garcia at Baby Amari

“PARA akong bumalik sa lumang bahay ko, ganu’n ‘yung pakiramdam!” ang pagbabahagi ni Billy Crawford ngayong mapapanood na uli siya sa GMA 7.

Si Billy ang napiling host para sa timagurian life-changing game show na “The Wall Philippines” na mapapanood na very soon sa Kapuso Network.

Ito ang magsisilbing comeback project ng singer-dancer-actor at TV host makalipas ang halos dalawang dekada matapos niyang lisanin ang network noong bagets na bagets pa siya.

Huling napanood si Billy sa GMA noong 2007 bilang host ng sarili niyang show, ang “Move! The Billy Crawford’s Search For Pinoy Dancers.”

Isang bonggang blessing daw para sa asawa ni Coleen Garcia ang muling makatungtong sa GMA compound na naging tahanan din niya nang ilang taon kasama ang kanyang tatay sa showbiz, ang yumaong si German “Kuya Germs” Moreno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“Napakalaking biyaya, napakalaking blessing ang dumating para sa The Wall Philippines and specially para sa akin kasi para akong bumalik sa lumang bahay ko ‘yun ‘yung pakiramdam,” pahayag ni Billy sa panayam ng GMA Network.

Aniya pa, “Kagulat-gulat, hindi kapani-paniwala na may mga ganitong kaganapan na mangyayari pero apart from ‘yun ‘yung initial reaction ko ay mas na-excite ako.”

Sey pa ng singer, nang i-offer daw sa kanya ang naturang proyekto, “Yes agad. Una sa lahat boss ko kasi si Boss Vic (del Rosario ng Viva Artists Agency) so, kung anong sabihin niya, ‘yun ang gagawin ko ‘di ba?

“But ‘yun naman ang request ko e, kung saan ako mapadpad ng trabaho e, doon ako pupunta kaya nung nakuha ng GMA at ng Viva ang The Wall Philippines at ni-retain pa rin ako as host, napakalaking karangalan for me,” chika pa ni Billy.

Kung hindi na magbabago ang plano, ngayong Agosto na hahataw ang “The Wall Philippines”. Dito makaka-join ni Billy ang mga celebrity tandem players tuwing Linggo.
https://bandera.inquirer.net/319093/billy-pumapasok-noon-sa-its-showtime-nang-lasing-muntik-nang-hindi-matuloy-ang-kasal-nila-ni-coleen

https://bandera.inquirer.net/295104/maja-ninerbiyos-sa-unang-araw-sa-eb-pero-ang-sarap-sa-pakiramdam-na-ka-dabarkads-na-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/282222/dingdong-emosyonal-nang-makita-ang-lumang-picture-ni-ziggy-may-promise-sa-2-anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending