Billy Crawford gustong maka-collab si Alden: Isa siya sa pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa showbiz | Bandera

Billy Crawford gustong maka-collab si Alden: Isa siya sa pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa showbiz

Ervin Santiago |August 25,2022
facebook
share this

Billy Crawford gustong maka-collab si Alden: Isa siya sa pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa showbiz

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 09:27 AM

Billy Crawford at Alden Richards

KUNG mabibigyan ng chance, gustong makatrabaho ni Billy Crawford ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Sa pagbabalik niya sa GMA 7 bilang host ng bagong reality game show na “The Wall Philippines”, inaasahang mas marami pa siyang gagawing proyekto bilang Kapuso.

Sa panayam ng GMA Network sa TV host-singer at aktor, natanong nga siya kung sino sa mga sikat na Kapuso stars ang nais niyang maka-collab sa isang project.

“Si Alden, ang pogi niya, e! Ha-hahaha! ‘Di ba?” birong pahayag ng mister ni Coleen Garcia.

“Maraming beses ko nang na-meet si Alden. Pero si Alden kasi personally sa tingin ko siya ang isa sa mga pinakamabait at totoong tao na nakilala ko sa industriya.

View this post on Instagram

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Grabe ang kabaitan at kagaling ng taong ‘yun kaya hanga ako sa kanya, saludo ako kay Alden at kaya gusto ko siyang maging co-host if ever sa isang show,” sey pa ni Billy.

Samantala, ngayong darating na Linggo, August 28, mapapanood na ang pagbabalik ni Billy sa GMA bilang host ng “The Wall Philippines” na siguradong maghahatid ng bonggang saya at excitement sa Kapuso viewers every Sunday.

Huling napanood si Billy sa GMA sa programang “Move! The Search for Billy Crawford’s Pinoy Dancers” noong 2007 at sabi nga niya sa pagbabalik sa dati niyang tahanan, “You know I will never get tired of saying na I feel welcomed again, I feel at home. I feel na my home was renovated. ’Yun lang ‘yung pakiramdam ko.

“Kasi nu’ng pumasok ako, nu’ng unang araw pa lang, nu’ng nagpu-promo shoots kami d’yan sa GMA building, tumingin ako, nakasarado na, pero du’n lang ‘yung nagre-rehearse kami para sa That’s Entertainment before.

“So, you know, that was my home since I was four years old so saktung-sakto. This collaboration between Viva and GMA has given me, as a host an as an artist, an opportunity again to be freelance and to be able to work with kahit sino dito sa industriya natin and it’s such a blessing, especially sa panahon ngayon, in this specific time right now,” aniya pa.

Isang napakalaking blessing din daw ang mabigyan ng chance na makapagtrabaho sa iba’t ibang TV network, “Lahat naman may kapamilya, may kapatid, may kapuso. Ako ay ‘Pambansang Katrabaho.’

https://bandera.inquirer.net/319093/billy-pumapasok-noon-sa-its-showtime-nang-lasing-muntik-nang-hindi-matuloy-ang-kasal-nila-ni-coleen

https://bandera.inquirer.net/298532/billy-tinawag-ni-cristy-fermin-ng-bully-crawford-nanawagang-itigil-na-ang-lol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319250/billy-crawford-hindi-pa-rin-nakakausap-sina-vice-ganda-at-anne-curtis-matapos-lumipat-sa-tv5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending