Elha Nympha pumalag sa mga bashers: Wala akong pake sa inyo except for my true fans
PUMALAG ang singer na si Elha Nympha sa mga netizens na may “mema” comments sa kanyang song cover ng “Wonderful Tonight”.
Sa kanyang latest YouTube video kung saan ibinahagi niya ang pagkanta niya sa isa sa mga sikat na awitin ay may mga netizens ang nang-nega at pumuna sa naging rendition niya ng kanta.
“Sa mga nagsasabing mas maganda yung… or ang pangit ng cover na to edi sana pina billboard niyo gawa kayo ng sariling niyo cover na mag sasatisfy ng expectations niyo di ko kayo need i please,” saad ni Elha.
Dagdag pa niya, “I’m doing may own thing and wala akong pake sa inyo except for my TRUE FANS.”
Sinuri naman namin ang comments sa naturang video post ni Elha at mukhang deleted na ang comment na nagpa-trigger sa dalaga.
Hirit pa niya, “Libre naman maging mema at nega pero wag sa channel ko pero thank u padin daming views and im gaining because of u all hehehehhehez thank u all.”
Maging sa kanyang Twitter account ay nagbahagi si Elha ng pagkadismaya sa mga “memang” netizens noong Oktubre 30.
“Nakakabwisit lang ung mga memang comment sa youtube ko, feeling pro grabe edi sana kayo na nag organize ng setup ko? Kayo nag mix ang master At kayo nalang din kumanta? Hays one of the main reason I don’t like to vlog nor post anything sa yt ko is because of them!”
Sa isa pang tweet ni Elha, “Nakaka walang gana if they only know the effort and sweat na binigay ko para dito.”
At mukha ngang nag-move on na rin sa mga bashers ang young singer dahil base sa pinned comment sa kanyang latest vlog ay mag-a-upload itong muli ng song cover sa kanyang YouTube channel.
“Hey y’all!! Next week Nov 6. Sunday I’ll post the EP.2 How am I supposed to live without u. Thank u so much sa mga nag request ng song na to! I posted this song cover for my fans and just to remind u guys this is a song cover not a competition. I want everything to be simple, raw and LIVE,” sey ni Elha.
Pagpapatuloy pa niya, “I’m not really a fan of reverb instead i put compressor to my mic so that it’ll sound more natural. And for those who were asking why i didn’t use a condenser mic is because my mic SKM 6000 has a condenser mic capsule already hahahah. So yeah what a good start thank y’all for watching see u next weeeeek.”
Nakaka walang gana if they only know the effort and sweat na binigay ko para dito.
— Elha Nympha (@ElhaNympha) October 30, 2022
Si Elha Nympha ay nakilala nang sumali siya sa “The Voice Kids” noong 2015 kung saan siya nanalo.
Related Chika:
Elha Nympha rumesbak sa basher na nagsabing ‘dating chubby, now feeling sexy…nagpagawa ng fez, feeling maganda na’
Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN
Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.