‘Paeng’ tapos nang manalasa sa bansa, pero isa pang bagyo nagbabadya
PATULOY nang lumalayo ang bagyong Paeng matapos manalasa sa malaking bahagi ng bansa.
Pero babala ng PAGASA, bagamat nasa karagatan na ng West Philippine Sea ang bagyo ay asahan pa rin ang mga pag-ulan at malakas na hangin sa ilang lugar.
“‘Yung malawak na sirkulasyon ni Paeng ay nagpapaulan pa rin po sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas, and Zamboanga Peninsula kahit nakapunta na ito dito sa may katubigan,” sey sa press briefing ngayong araw, Oct. 30, kaninang 5 a.m.
Base sa forecast track ng bagyo ay posibleng na itong lumabas ng ating bansa bukas, Oct. 31.
Sey ng PAGASA, “Ngayong araw ay unti-unti nang lalayo sa kalupaan dito sa West Philippine Sea, westward o pa-kaliwa po ang movement nito at posibleng lumakas muli as a Tropical Storm habang bumabalik po dito sa katubigan at base na rin sa ating latest track, lalabas ito ng Philippine area of responsibility bukas ng umaga or hapon.”
Paliwanag pa ng Weather Forecaster na si Benison Estareja ay limang beses itong tumama sa lupa kahapon.
Narito ang listahan ng mga lugar na nag-landfall si bagyong Paeng:
-
Virac, Catanduanes (Oct. 29, 1:10 a.m.)
-
Caramoan, Camarines Sur (Oct. 29, 1:40 a.m.)
-
Buenavista, Quezon (Oct. 29, 6:00 a.m.)
-
Santa Cruz, Marinduque (Oct. 29, 8:40 a.m.)
-
Sariaya, Quezon (Oct. 29, 1:40 p.m.)
Huling namataan ang bagyo sa layong 85 kilometers kanlurang bahagi ng bayan ng Iba sa Zambales.
Taglay nito ang lakas na hanging 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Hanggang ngayon, may nakataas pa ring “tropical cyclone wind signal no. 2” at heto ang kumpletong listahan:
LUZON – Pangasinan, La Union, the southern portion of Ilocos Sur (City of Candon, Banayoyo, Galimuyod, Sigay, Suyo, Santa Lucia, Santa Cruz, Alilem, Tagudin, Sugpon, Cervantes, Quirino, Gregorio del Pilar, Salcedo, Lidlidda, San Emilio, Santiago, Burgos, Santa Maria, San Esteban), Benguet, Tarlac, Zambales, the western portion of Bataan (Morong, Bagac, Dinalupihan, Hermosa), the western portion of Pampanga (Floridablanca, Mabalacat City, Magalang, Angeles City, Porac), and the northwestern portion of Nueva Ecija (Guimba, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan)
Narito naman ang mga lugar na nasa ilalim ng “tropical cyclone wind signal no. 1”:
LUZON – Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, the rest of Ilocos Sur, Aurora, the rest of Nueva Ecija, the rest of Pampanga, Bulacan, the rest of Bataan, Metro Manila, Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, Quezon including Pollilo Islands, Marinduque, the northwestern portion of Romblon (Concepcion, Banton, Corcuera), Occidental Mindoro including Lubang Islands, Oriental Mindoro, Calamian Islands, Camarines Norte, and the northwestern portion of Camarines Sur (Lupi, Ragay, Del Gallego, Sipocot)
Samantala, patuloy namang binabantayan ng PAGASA ang isa pang bagyo.
Hindi pa raw ito nagpapaulan sa bansa, pero nagbabadyang itong pumasok sa ating bansa pagdating ng Lunes, Oct. 31.
Sey ni Estareja sa presscon, “So wala pa siyang direct effect sa bansa pero patuloy nating mino-monitor dahil posibleng by tomorrow ay pumasok na rin ito ng ating PAR at papangalanan natin na Queenie or ito ‘yung magiging pang labing-pito na bagyo na papasok ng ating PAR at pasok pa rin sa mga bagyo po sa buwan ng October, panglima po ito.”
Patuloy pa ng weather forecaster, “Umaga itong papasok so possible na meron tayong dalawang bagyo sa loob ng PAR sa sandaling panahon.”
Base sa proojection ng mga forecaster ay posible itong tumama sa bahagi ng Eastern Visayas, pero bago pa raw ito mangyari ay hihina muna ito at magiging isang low pressure area na lamang.
Paliwanag ni Estareja, “Posible itong humina as a remnant low pressure na tinatawag bago siya tumama sa kalupaan ng Eastern Visayas.
“Nonetheless, asahan pa rin ang mga pag-ulan dito sa bahagi ng Eastern Visayas, CARAGA, Davao region, and even parts of Bicol region pagsapit ng Wednesday – isang araw matapos ang undas.”
Read more:
#MindanaoNeedsHelp: 70 patay, 31 sugatan sa pananalasa ni bagyong Paeng
Bagyong Paeng 3 beses nang nag-landfall sa Luzon, nagbabadyang lumapit sa Metro Manila
Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.