#MindanaoNeedsHelp: 70 patay, 31 sugatan sa pananalasa ni bagyong Paeng | Bandera

#MindanaoNeedsHelp: 70 patay, 31 sugatan sa pananalasa ni bagyong Paeng

Pauline del Rosario - October 29, 2022 - 11:17 AM

#MindanaoNeedsHelp: 70 patay, 31 sugatan sa pananalasa ni bagyong Paeng

PHOTO: Facebook/Bangsamoro Government

MATINDI ang naging pananalasa ng bagyong Paeng sa ilang lugar sa Mindanao at dahil diyan, maraming netizens ang sumasaklolo sa social media.

Sa pamamagitan ng #MindanaoNeedsHelp” ay makikita ang mga paghingi ng tulong ng mga kababayan natin sa Mindanao na kung saan ay maraming lugar na ang nalubog sa baha at namatay.

Gaya na lamang ng isang tweet na nananawagan sa social media na ikalat ang sitwasyon sa Mindanao dahil marami na ang nawawala, nalulunod, at namamatay.

“Many people drowned and died!! Marami rin ang nawawala!! Why is no one talking about it here on twt?? Mindanao need serious help rn, please do spread this info!!,” lahad sa tweet.

Sabi ng isang netizen tila hindi alam ng maraming tao ang nangyayari ngayon sa Mindanao dahil wala pang nababalita tungol dito.

Pakiusap pa niya na nangangailangan ng mga rescue ang mga nasa Mindanao.

Sey sa tweet, “Maybe a lot of people in Luzon doesn’t know what’s really going on in Mindanao, people there are in needs of rescues and help, madami na pong casualties.”

May nag-post din na hindi pa rin tumitigil ang ulan sa kanilang lugar kaya matinding baha na raw ang nararanasan doon.

Caption ng netizen, “madami nang namatay matanda man o bata. walang tigil na ulan simula pa around 9PM last night until now kaya grabe din ang baha sa Cotabato City at karatig na mga lugar.”

Umakyat na sa 72 ang patay, 31 ang sugatan, habang may 14 na nawawala dahil sa bagyong Paeng, base sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa mga casualties, ang may pinakamaraming bilang ay ang nasa Mindanao, kabilang na riyan ang BARMM na mayroon nang 67 na patay, 31 na sugatan, at 11 na nawawala.

Habang ang SOCCSKSARGEN ay may tatlong patay, at tatlong nawawala.

Samantala, sinabi ng BARMM interim government na nailikas na nila ang mga residente na apektado ng bagyo at kasalukuyan na silang tinutulungan ng social welfare officers.

Saad sa kanilang Facebook post, “Evacuees from Brgys. Badak, Tamontaka, and Poblacion Dalican of Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte are being assisted by teams from the Bangsamoro Government’s Ministry of Social Services and Development (MSSD).

“The evacuees, who were displaced due to TS Paeng, are currently located in Dalican Terminal of the same municipality.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Bagyong Paeng 3 beses nang nag-landfall sa Luzon, nagbabadyang lumapit sa Metro Manilam

Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon

Bagyong Paeng tatama sa bahagi ng Luzon, Wind signal no. 1 nakataas sa ilang lugar sa Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending