Bagyong Paeng 3 beses nang nag-landfall sa Luzon, nagbabadyang lumapit sa Metro Manila | Bandera

Bagyong Paeng 3 beses nang nag-landfall sa Luzon, nagbabadyang lumapit sa Metro Manila

Pauline del Rosario - October 29, 2022 - 10:22 AM

Bagyong Paeng 3 beses nang nag-landfall sa Luzon, nagbabadyang lumapit sa Metro Manilam

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

PATULOY na nananalasa ang bagyong Paeng sa ating bansa at kasalukuyan na itong nagbabadyang lumapit sa Metro Manila.

Ayon sa press briefing ng PAGASA ngayong araw, Oct. 29, na tatlong beses nang nag-landfall ang bagyo at sa mga susunod na oras raw ay posible pa itong tumama sa ibang lugar sa Luzon, partikular na raw sa bahagi ng Metro Manila.

Paliwanag ni Weather Forecaster Benison Estareja, “‘Yung unang landfall niya ay naganap kaninang 1:10 in the morning dito po sa bayan ng Virac sa Catanduanes.

“Tinawid itong Southern portion ng Catanduanes, and 30 minutes later ay nagkaroon ng pangalawang landfall sa Caramoan, Camarines Sur 1:40 in the morning.

“Then around 2 hours later, tinawid nito ang northeastern portion ng Camarines Sur, at inaasahan sa mga susunod na oras ay posibleng tawirin ang hilagang parte po ng Camarines Norte, maaring tawarin itong silangang parte ng baybayin po ng Quezon province at pagsapit ng hapon at sa gabi ay tatawirin itong hilagang bahagi ng CALABARZON, as well as northern portions of Metro Manila, and southern portions of Central Luzon.”

Base naman sa 8:00 a.m. na update ng PAGASA ay mas lumakas ang bagyong Paeng at naging “Severe Tropical Storm” category na.

Huling namataan ang bagyo sa karagatan ng Catanauan, Quezon.

May lakas itong hangin na 95 kilometers per hour at bgsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Narito naman ang listahan ng mga lugar na sakop ng signal numbers.

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 3

LUZON – Camarines Norte, the western portion of Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Pasacao, Libmanan, Pamplona), Marinduque, Quezon including Pollilo Islands, Laguna, Batangas, Cavite, Metro Manila, and Rizal

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 2

LUZON – Catanduanes, Albay, the western portion of Sorsogon (Pilar, Castilla, Donsol), the western portion of Masbate (Aroroy, Baleno, Mandaon) including Burias Island, the southern portion of Aurora (San Luis, Baler, Dingalan, Maria Aurora), Bulacan, Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales, Nueva Ecija, Pangasinan, the rest of Camarines Sur, Romblon, Oriental Mindoro, and Occidental Mindoro including Lubang Islands

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1

LUZON – Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union, the rest of Aurora, the rest of Sorsogon, the rest of Masbate including Ticao Island, and the northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Roxas, San Vicente) including Calamian and Cuyo Islands

VISAYAS – Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu including Bantayan and Camotes Islands, Bohol, Negros Occidental, Negros Oriental, Guimaras, Aklan, Antique, Capiz, and Iloilo

Samantala, sinabi rin ng PAGASA na bukod sa bagyong Paeng ay may binabantayan pa silang isa pang bagyo na kasalukuyang nasa labas ng bansa.

Inaasahan daw na ito’y papasok ng ating teritoryo pagdating ng Lunes at ito’y papangalanang “Queenie.”

Sey ni Estareja, “May binabantayan din po tayong bagyo sa labas ng ating area of responsibility… Posible pong pumasok itong tropical depression pagpasok po ng Lunes at kung saka-sakali po ay magkakaroon ito ng pangalan, Queenie naman sa ngayon o ‘yung magiging labing-pitong bagyo.”

Dagdag pa niya, “Inuulit natin, maaaring October 31 o panglima pa for the month of October papasok ng ating PAR.

Nagbabala din ang ahensya na ang dadaanan nitong paparating na bagyo ay katulad din ng mga dinaanan ni bagyong Paeng.

“Sa ngayon, mahina pa po ito at base po doon sa kinikilos nito, maaaring sundan ‘yung si Bagyong Paeng,” aniya.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon

Bagyong Paeng tatama sa bahagi ng Luzon, Wind signal no. 1 nakataas sa ilang lugar sa Visayas

Bagyong Obet palabas na ng bansa, 3 sama ng panahon posibleng magdala ng ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending