Bagyong Paeng tatama sa bahagi ng Luzon, Wind signal no. 1 nakataas sa ilang lugar sa Visayas | Bandera

Bagyong Paeng tatama sa bahagi ng Luzon, Wind signal no. 1 nakataas sa ilang lugar sa Visayas

Pauline del Rosario - October 27, 2022 - 10:32 AM

Bagyong Paeng

Bagyng Paeng (PHOTO: Facebook/Dost_pagasa)

MAY babala ang PAGASA sa posibleng pag-landfall ng bagyong Paeng sa ilang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw.

Ayon sa press briefing ng ahensya ngayong araw, Oct. 27, kaninang 5:00 a.m. ay nakikita nilang tatama ang bagyo sa bandang Central Luzon, at maaari rin daw sa may silangang bahagi ng Luzon.

Sey sa briefing, “‘Yung landfall scenario natin sa ngayon ay sa mga silangang baybayin ng mainland Cagayan Valley hanggang dito sa Central Luzon, and as compared dito sa previous track na pinalabas ng PAGASA, mapapansin natin na may Southward shift o pagsubsob ng track nitong si Paeng.

“So sa mga susunod na araw, hindi natin tinatanggal ‘yung posibilidad na ‘yung landfall scenario sa mga areas dito sa Eastern sections ng Luzon.”

Nag-abiso din ang ahensya na lalo pang lalakas si Paeng hanggang sa maging isang “typhoon category.”

“Inaasahan natin within 24 hours ay magi-intensify pa itong si Paeng into a tropical storm category, and beyond that by Saturday ay posibleng ito ay nasa typhoon category and hindi natin tinatanggal ‘yung posibilidad ng further intensification within the next 72 hours,” ayon sa PAGASA.

As of this writing, nakataas sa “Tropical Cyclone Wind Signal no. 1” o may malalakas na hangin sa northern portion ng Eastern Samar, at eastern portion of Northern Samar.

Huling namataan si bagyong Paeng sa distansyang 660 kilometres sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

May lakas itong hangin na 55 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot ng 70 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 10 kilometers per hour.

Nagdadala ng mga pag-ulan ang bagyo sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sabi sa forecast track ng weather bureau, “Dahil sa epekto nitong trough or extension nitong si Paeng, asahan natin na magpapatuloy simula ngayong umaga hanggang mamayang gabi itong maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa bahagi ng MIMAROPA, buong kabisayaan at sa ilang bahagi ng Mindanao, partikular na rito sa Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, at sa ilang bahagi ng Caraga dito sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.”

Uulanin din daw ang ilang bahagi ng Luzon, pero ito’y dahil naman sa ilang “weather systems,” gaya ng shearline at northeast monsoon o hanging habagat.

“Dahil naman sa patuloy na epekto o pag-iral nitong Shearline, asahan natin itong mga kaulapan, na may kalat-kalat na thunderstorms throughout the day dito naman sa bahagi ng Bicol Region, at Quezon,” sabi ng weather forecaster.

Patuloy niya pa, “Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon ay umiiral pa rin itong Northeast Monsoon o hanging Amihan, so asahan natin itong maaliwalas na panahon na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan.”

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagyong Obet palabas na ng bansa, 3 sama ng panahon posibleng magdala ng ulan

Bagyong Obet tatama sa Batanes o Babuyan Islands, isa pang sama ng panahon binabantayan ng PAGASA

Bagyong Obet posible pang lumakas, Signal no. 1 nakataas sa bahagi ng Northern Luzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending