Bagyong Obet palabas na ng bansa, 3 sama ng panahon posibleng magdala ng ulan | Bandera

Bagyong Obet palabas na ng bansa, 3 sama ng panahon posibleng magdala ng ulan

Pauline del Rosario - October 22, 2022 - 12:32 PM

Bagyong Obet

Bagyong Obet (PHOTO: Facebook/Dost_pagasa)

Inaasahang lalabas na ng ating bansa ang bagyong Obet matapos manalasa ng ilang araw sa malaking bahagi ng Northern Luzon.

Ang good news pa rito, hindi na rin ito magpapaulan sa bansa at wala nang nakataas na “tropical cyclone wind signals.”

Sinabi ng PAGASA na kumikilos na patungo sa karagatan ng South China Sea ang bagyo.

Sey sa press brifiefing ngayong araw, Oct. 22, kaninang 5:00 a.m., “So ‘yung ating binabantayang bagyo na si Tropical Depression Obet pagsapit po ng tanghali, hindi na directly makakaapekto sa ating bansa at posibleng nasa labas na rin ng ating area of responsibility.”

Bagamat wala nang epekto ang bagyo, may tatlong sama ng panahon naman ang posibleng magdala ng ulan.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja, kasalukuyan nilang binabantayan ang “Intertropical Convergence Zone” o ITCZ at hanging habagat sa loob ng ating teritoryo, at may isang “low pressure area” na nasa labas ng bansa.

Nagbabala din ang weather bureau na may nakataas pang “gale warning” o babala sa matataas na alon dahil sa hanging habagat at bagyong Obet.

“Meron pa rin po tayong gale warning in terms of northeast monsoon at bahagyang epekto na rin po nitong si tropical depression Obet,” sey ni Estareja.

Kabilang na riyan ang mga baybayin ng Batanes, Babuyan Islands, at hilagang bahagi ng Cagayan at Ilocos Norte.

Paliwanag pa ng weather forecaster, “Asahan po natin hanggang 5.5 meters ang taas ng mga pag-alon or halos dalawang palapag ng gusali.

“Delikado pa rin ito sa ating mga kababayan lalo na sa mangingisda.”

Base sa update ng PAGASA kaninang 11 a.m., huling namataan ang bagyo sa distansyang 240 kilometers kanluran ng Basco, Batanes

Taglay nito ang lakas na hanging 45 kilometers malapit sa gitna at bugsong aabot sa 55 kilometers.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Samantala, base naman sa “forecast track” ng LPA ay nakikita itong papasok ng ating bansa sa mga susunod na araw.

Sabi ni Estareja, “Nakikita po natin na posible pong pumasok ito ng ating area of responsibility over this weekend.

“So sa susunod po na dalawang araw ay nasa loob na po ito ng ating PAR.”

Nagbabala rin ang PAGASA na posibleng maging ganap na bagyo ang binabantayang LPA at mag-landfall sa may bahagi ng Luzon at Visayas.

Sabi ni Estareja, “Habang lumalapit sa ating bansa itong low pressure area ay nangangalap ito ng maraming moisture at pupunta sa mainit na parte ng karagatan kaya hindi rin natin inaalis ‘yung tsansa na maging bagyo agad ito early next week.”

“So patuloy po tayong magmo-monitor regarding this weather disturbance dahil posible din itong mag-landfall somewhere dito sa Southern Luzon and Visayas,” dagdag pa ng forecaster.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagyong Obet tatama sa Batanes o Babuyan Islands, isa pang sama ng panahon binabantayan ng PAGASA

Bagyong Obet posible pang lumakas, Signal no. 1 nakataas sa bahagi ng Northern Luzon

Bagyong Neneng tumama sa Cagayan, signal no. 3 itinaas na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending