Maritoni Fernandez ibinandera ang pagpapaturok ng Dengvaxia sa Thailand matapos makaranas ng 'hemorrhagic dengue' | Bandera

Maritoni Fernandez ibinandera ang pagpapaturok ng Dengvaxia sa Thailand matapos makaranas ng ‘hemorrhagic dengue’

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 10:19 AM

Maritoni Fernandez ibinandera ang pagpapaturok ng Dengvaxia sa Thailand matapos makaranas ng 'hemorrhagic dengue'

Maritoni Fernandez

KINUMPIRMA ng aktres na si Maritoni Fernandez na nagpaturok siya ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa Thailand.

Kuwento ni Maritoni, nakumpleto na raw niya ang tatlong dosage ng nasabing dengue vaccine kaya medyo panatag na ang kanyang kalooban pagdating sa nasabing nakamamatay na sakit.

Ayon sa aktres, nagdesisyon siya na magpabakuna kontra sa nasabing sakit matapos makaranas ng “hemorrhagic dengue” ilang taon na ngayon na ang nakararaan.

Sa Thailand daw siya nagpaturok ng Dengvaxia dahil ipinagbabawal pa rin ito sa Pilipinas.

Nag-post si Maritoni ng mga litrato sa Instagram matapos siyang mabakunahan. Aniya sa caption, “Last shot done. Dengvaxia 3rd dose. Thank you Lord.

“Got hemorrhagic dengue a few years back and was told that I’m high risk for fatality if I get it again.

“So since we can’t get Dengvaxia in Manila anymore, I’ve had the perfect excuse to come to Bangkok every 6 months!

“Plus I get to see all my Thai ladies whom I love so much. (praying handa, heart, Thailand flag emojis),” sabi pa ng aktres gamit ang mga hashtag na #lastdengueshot, #3dosesdown, #healthiswealth, #notodengue at #samitivejvirtualhospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maritoni Fernandez-Dayrit (@maritoni.fernandez)


Noong April, 2016 nagsimula ang malawakang vaccination program ng Pilipinas kontra-dengue para sa mga estudyante gamit ang Dengvaxia.

Kasunod nito, makalipas lamang ang ilang taon, naglabasan ang balitang may mga namatay umano sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

At kahit wala pang solidong ebidensiya na makapagpapatunay na may namatay nga sa nga naturukan ng Dengvaxia, ipinag-utos ng gobyerno na itinigil na ang paggamit nito sa Pilipinas.

Matapos ang isinagawang serye ng imbestigasyon, ni-revoke nga ng Food and Drug Administration (FDA) ang Certificate of Product Registration (CPR) ng Dengvaxia.

Taong 2019 nang pagtibayin ng Department of Health (DOH) ang hindi nito pag-apruba sa apela ng Sanofi Pasteur, Inc. na hindi patawan ng permanenteng ban ang paggamit ng Dengvaxia sa bansa.

Maritoni Fernandez sa pagiging cancer survivor: Thank you Jesus for every extra hour, day, month, year and decade!

Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gary Valenciano naospital dahil sa sakit na dengue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending